Kris Aquino, Falcis brothers trade barbs anew on social media

IMAGE Cyrus Panganiban / Nicko Falcis on Facebook

Kris Aquino posts an Instagram video of her and Nicko Falcis, saying she misses her former business associate. But the Falcis brothers, Nicko and Atty. Jesus, register disbelief.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Muling uminit ang patutsadahan nina Kris Aquino at magkapatid na Nicko at Jess Falcis sa social media.

Nag-ugat ito sa post ni Kris kahapon, March 13, sa tila pagsariwa niya sa naging magandang samahan nila ni Nicko bilang business partners bago sila nauwi sa isang court battle.

Kalakip nito ang mga larawan nila noong magkasama pa sila sa kumpanya ni Kris na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

May background music din itong "Love The Way You Lie" ni Rihanna.

Base sa post ni Kris, tila blinock siya agad ni Nicko.

Sabi ng TV host/actress/endorser/web star sa kanyang Instagram at Facebook post:

“Nicko, i only wanted to check on you, after all no matter this unfortunate ending, we actually did build SOMETHING to be proud of... tumingin lang ako sa IG mo, BLOCK agad? How sad... Just in case you miss me- edited a video to refresh your memory.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinamahan niya ito ng tatlong "heart" emojis.

FALCIS BROTHERS INCREDULOUS

Hindi nagpatinag ang magkapatid na Nicko at Atty. Jess.

Sa kanyang Instagram, nagpakawala ng maaanghang na salita si Atty. Jess laban kay Kris.

Banat niya sa dating boss ng kanyang kuya: “Nabuang na talaga haha pero sinungaling pa din!

“Tumingin lang daw sa IG, block agad?

"Shunga ikaw una nag block kay Kuya di ba haha in-unblock mo lang kasi low EQ ka di mo mapigilan i-stalk si Kuya.

"Diyos ko hindi Phillip Salvador, Joey Marquez, or James Yap si Kuya.

"Tantanan mo kami, death threat Queen! Hindi ka miss ni Kuya.

"#Artecaria
"#GoneGirlOverAGayGuy"

Sa Instagram Stories naman ni Nicko kagabi rin, nag-post siya ng screenshot ng Instagram story ng kapatid nilang babae na si Charlene Falcis.

Nakalagay rito: “I think she took many pills today.

“You are the creepiest of all creepies...

"Goose bumps with this fake post.

“We know you’re trying to have my brother arrested with your Taguig minions - who proceeded with estafa without due process, right after my mom’s birthday…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So quit this shit.”

Kasunod nito, sinabi ni Nicko sa kanyang IG Stories, “I DO NOT FEEL SAFE. #GONEGIRLCRAZYRICHSTALKERWHOMAKESDEATHTHREATS.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa pang IG Story niya, sinabihan ni Nicko si Kris na tigilan na ang pangha-harass sa kanya.

Nakalagay sa post: “STOP HARRASING ME, IT’S BEEN SIX MONTHS ALREADY AND ALL YOU DID IS TORTURE MY FAMILY AND FRIENDS.

“TAMA NA PO!

“YOU ARE CRAZY!!!”


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN