Arjo Atayde on meeting Maine Mendoza’s parents: "Nakakatakot, but I faced it."

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @arjoatayde on Instagram

Arjo Atayde on meeting Maine Mendoza's parents: "I think every guy would be scared to meet the family. Nakakatakot po, e, kasi di ba malamang po babae po yung anak nila. Nakakatakot, but I faced it, because I have to and I want to.”


Malaki ang respeto ni Arjo Atayde, 28, sa mga magulang ni Maine Mendoza, 24.

Kaya minabuti ng Kapamilya actor na kahit nagdi-date pa lang sila ng Kapuso star ay makilala na niya ang mga ito.

Pahayag ni Arjo, “I think every guy would be scared to meet the family.

“Nakakatakot po, e, kasi, di ba, malamang po babae po yung anak nila.

“Nakakatakot, but I faced it, because I have to and I want to.”

Nauna nang ikinuwento ni Maine sa kanyang blog entry noong March 2—bisperas ng kanyang ika-24 kaarawan—ang tungkol sa pagbibigay ng blessing ng kanyang mga magulang sa manliligaw niyang si Arjo.

Bahagi ng blog entry ni Maine, “My family and friends know about this. In fact, he has met my family and friends on multiple occasions.

"He went to our house in Bulacan to personally talk to my parents and tell them that he has nothing but good intentions for their daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My parents also gave him a warning that they'd kill him if he does something bad to me. Haha!

"I remember him looking so timid as he sat on our couch in front of Teodoro and Mary Ann.

"That was the first time I introduced someone to my parents so I was hella nervous, too!

"Surprisingly, everything turned out fine and he made it out alive!

"He has met my siblings, friends and team as well. I am just glad I have people in my life who could guide me and support me with the decisions I make.

"I appreciate their efforts to love me and believe that I am making the right decision of making my heart happy this time."

TAIWAN ESCAPADE

Noong March 3, sa mismong ika-24 kaarawan ni Maine, naispatan sila ni Arjo sa Taiwan airport.

Doon nagdiwang ng kanyang kaarawan si Maine kasama si Arjo kasama pa ang ilang kaibigan ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit tumangging magkuwento si Arjo tungkol sa kanilang Taiwan escapade.

Tanging sabi lang ng The General's Daughter actor, “Basta nag-adventure lang po kami.”

Ano ang iniregalo niya sa rumored girlfriend noong kaarawan nito?

May kilig na sagot ni Arjo, “Secret.”

Kung sakali bang maging sila na officially ay ibabahagi nila ito sa kanilang mga tagahanga?

Tugon niya, “Let’s see po, let’s see po.

"One step at a time.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa grand press conference ng Bagman, ang bago niyang socio-political series na mapapanood sa iWant sa March 20.

WORKING TOGETHER AGAIN

Unang nagkakilala at nagkatrabaho sina Maine at Arjo sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Nagsimula ang shooting ng nasabing pelikula noong August 2018, ngunit mula September 2018 hanggang January 2019 ay laman ng espekulasyon ang ilang pagkakataong nakukunan ng litratong magkasama sina Maine at Arjo sa labas ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa nitong taon ay pareho na silang umaming exclusively dating na sila.

Maaari ba silang magsama ulit sa isang proyekto uli?

Sagot ng binata, “A, yes, of course.

"I would love to work with her but for now huwag po muna. 'Tsaka na, when the time is right.

"But, of course, I’m looking forward to be working with her, definitely, definitely."


Stories We Are Tracking

Arjo admits he and Maine are
Arjo admits he and Maine are "exclusively dating"
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Taiwan airport
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Taiwan airport


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN