Sam Milby on rumored relationship with Anne Curtis: "We're not together."


Sam Milby talks about the "women" in his life—there's Toni Gonzaga (inset, top), who have been his reel partner and is now going steady with direk Paulo Soriano; there's also Anne Curtis (bottom), who indirectly admitted in an article posted on PEP last July 11 that she and Sam are an item.


Sa pagdiriwang ng kaarawan ng TV host na si Cristy Fermin—ika-23 ng Hulyo—sa West Avenue, Quezon City ay pinagkaguluhan ang pagdating ng bagong lovers na sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano.

Noong gabi ring iyon, dumating ang screen partner at natsismis din dati na manliligaw ni Toni na si Sam Milby. Agad siyang nilapitan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at nagpaunlak naman ang actor-singer ng interview.

TONI ISSUE. Ang unang katanungan sa kanya ay kung ano ang reaksyon niya sa relasyon ngayon ng screen partner niyang si Toni kay direk Paul. "Nakita ko na masaya siya kaya masaya ako para sa kanya," sagot ni Sam sa diretsong Tagalog.

Magkaroon kaya ng epekto sa onscreen partnership nina Sam at Toni ang very open na relasyon ng huli sa nasabing music video director?

"Yung susunod na pelikula ko, sabi nila kasama si Toni at Kristine [Hermosa], pero sana hindi ma-affect 'yung loveteam. Pero syempre, I mean sana may support sa mga fans namin, kasi siyempre magkaibigan kami. I mean, we're still good friends, you know. It's not like parang nag-aaway kami. We're not enemies, so sana may support pa," ang sagot ng dating Pinoy Big Brother housemate.

Nang usisain kung nakaramdam ba siya ng selos no'ng makita niyang magkasama at magka-holding hands na dumating sina Toni at direk Paul sa party, aniya, "Wala, ah, hindi ko masyadong nakikilala si direk Paul. Pero ‘yung what I know of him, mabait siya. At nararamdaman ko, siguro he'll take care of her."

Ano kaya ang lamang ng direktor sa kanya at iba pang manliligaw ni Toni? "Uhm, hindi ko alam. Dapat ano, itanong ninyo po si Toni kung bakit pilian...Am I right?" Nakuha naman ng PEP na "pinili" ang ibig sabihin ni Sam.

Nagkaroon na ba ng chance na nagkita-kita sila nina Toni at Paul sa isang Christian church?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa, hindi pa. Iba sila church. May church si Toni sa neighbor niya sa Taytay. Parang representative si Toni 'ata, parang may trabaho siya do'n," ang sabi ni Sam.

Kwento ni Anne Curtis no'ng huli namin siyang makausap na nagkakasama sila sa pag-attend ng Sunday service sa Victory Christian Fellowship.

"Ya, we go to the same church. ‘Tsaka si Ate Rica (Peralejo), we all go to the same church. Noong other Sunday, I saw Paolo Paraiso sa church. Maraming artista na pumupunta sa Victory Christian Church sa Galleria. Si Piolo (Pascual) rin."

Napansin sa mga sagot ni Sam na sinusubukan niyang magsalita sa wikang Filipino, nang batiin namin siya ukol dito, "Minsan nahihirapan pa ako," pag-amin niya.

ANNE MATTERS. Pwede na rin silang umamin ni Anne ngayon since lantad na lantad na relasyon ni Toni kay direk Paul. At heto ang mabang paliwanag ni Sam:

"I mean, honestly, there's nothing to admit. We're not together. Both of us are growing on our Christian faith, and I know na parang mahirap maintindihan ‘yung mga non-christian believers para dito. It's hard to explain but because the Christians know, I'm sure they understand this na we're both working on our Christian faith right now.

"We're building our relationship with God. For me, there's a lot na kailangan kong maayos bago mag-relationship. I've realized that I have a lot of things to work on, to myself, and my relationship with God bago pumasok sa relationship.

"Because I want to make sure na I can make, who ever will be, you know...I wanna make sure that I can make the girl happy and I know if have my relationship with God, too, it will work out, honestly."

But according to our source, umamin na si Anne na umabot na sila sa level na sila na pero agad din naputol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We were really, really close," pag-amin ni Sam.

Pagpapatuloy niya, "Maybe we both realized na parang we do need to work on our relationship with God. Hindi ko lang alam sa future namin [kung siya] ang magiging girlfriend ko. But I mean, in my opinion, she definitely help me realize na parang there's a lot I need to work on myself."

Ibig bang sabihin nito ay si Anne lang ang nag-speculate na may relasyon sila? Si Anne lang ang naka-feel na there's something special between them na more than friends?

"I feel also that too. I mean, we were really very close parang I did feel that too. But it was long after that na we both realized na, you know, we have a lot to work on both with ourselves and parang with our relationship with God," inulit ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN