Sunshine Cruz forgives former PA who got jailed for estafa

IMAGE Arniel C. Serato

Sunshine Cruz on forgiving her former personal assistant whom she previously accused of estafa: "But I know in my heart and in my mind, like what I said, that she deserves a second chance in life. So siyempre, sino ba tayo para hindi magpatawad?"


Pinatawad na ni Sunshine Cruz ang kanyang dating personal assistant na nakakulong sa salang estafa through falsification of public documents.

Ang kanyang dating personal assistant na si Imelda ay nakulong na ng halos labing anim na taon sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Ngayong napatawad na niya ito, tinulungan ni Sunshine si Imelda na makakuha ng pardon upang ito'y tuluyang makalaya. 

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Sunshine ang tungkol dito, noong nakaraang March 6.

Sabi niya sa kanyang post, “She was my former PA. Nagkamali sya (ng bongga), nasaktan ako ng sobra pati mom ko noon because she was not just a PA (personal assistant) to me but I treated her like a sister.

“Katabi ko sya sa kama matulog, sinunod ko ang lahat ng sinabi at utos nya sakin dahil sa kanya ako ibinilin at pinagkatiwala ng mom ko.

“Sino ako para hindi magpatawad? She served 16 years sa kulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat hanggang 40 years pa pero alam ko sa puso ko na dapat na syang bigyan ng pagkakataon na makasama ang pamilya nya.

“She deserves a second chance in life and I wish her the best.

“May isang bilin lang ako sa kanya when she hugged and thanked me, sabi ko ‘pakabait ka na ha?’

“She nodded and assured me that she’ll surely change for the better.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"NAPATAWAD NA KITA"

Nitong nakaraang Martes, March 12, sa trailer launch at grand press conference ng Mystified para sa Iflix app, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine tungkol dito.

Kuwento ng aktres, “Alam mo, actually, wala naman kasing... minsan pumunta ako sa Correctional with my friend, Christine Gabriel, nag-fi-feeding, parang mayroon kaming gift-giving.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita ko siya doon and siya na mismo nagsabi sa akin na she’s thankful na nangyari yung nangyari, kasi if not, baka daw wala na siya, baka daw namatay na siya.

"But I think na-realize niya rin yung mga bagay-bagay when she was there and I told her nga na, 'Whatever I need to do para ma-release ka dito, napatawad na naman kita, so just let me know.'

"So, yun nga tumawag sa akin yung lawyer ko at that time.

"Supposedly parang hearing, and ginamit ko na yung pagkakataon na yun para mag-oath—nandoon siya, e—para mag-oath na, na ‘I am Sunshine Cruz. I am giving her another chance in life, that I have forgiven her.’ 

"Ganun yung ginawa ko. Kasi I think kung hindi ako mag-ga-ganun, magtutuloy-tuloy pa yun, kung ilalaban ko pa.

"But I know in my heart and in my mind, like what I said, that she deserves a second chance in life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So siyempre, sino ba tayo para hindi magpatawad?"

Nakalabas na kaya si Imelda mula sa Correctional para muli nang makapiling nito ang kanyang pamilya?

Saad pa ni Sunshine, "Any time. I think nakalabas na, but I’m working on it. Na bilang sabi ko kay Christine Gabriel, yung kaibigan ko na may contact, if she can find a contact number.

"Kasi siyempre gusto ko siya makausap para kung ano mang help ang puwede ko gawin sa kanya for her to have a second chance in life, magawa ko naman.

“Kahit konting tulong lang ba para maka-put up siya ng something like business.”

Samantala, mapapanood na sa Iflix sa darating na March 29 ang Mystified na kinabibilangan ni Sunshine at pinagbibidahan nina Iza Calzado, Karylle, Sunshine Dizon, Diana Zubiri, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN