Pokwang, K Brosas, Pooh reveal they were supposed to perform with Chokoleit on the night he died

IMAGE @pooh_tik and @hot_chokoleit on Instagram

(Left photo) Pooh, K Brosas, and Pokwang recount their last bonding time with Chokoleit (right photo), who passed away last March 9, Saturday, because of pulmonary edema and heart attack.


Ibinahagi nina K Brosas, Pooh, at Pokwang na dapat ay kasama nila si Chokoleit noong gabi nang pumanaw ito ng March 9, Sabado.

Namatay si Chokoleit, 48, pagkatapos ng kanyang out-of-town show sa Abra noong Sabado.

Heart attack at pulmonary edema ang sanhi ng ikinamatay ng komedyante.

Ani Pokwang, 48, ang huling bonding nilang kasama si Chokoleit ay nung ipagdiwang ni Malia—anak ni Pokwang—ang kanyang second birthday noong January.

“Tapos, sumunod na, nag-text na siya sa akin. Sabi, ‘Asan ka sa March achu-chu-chu?’” paglalahad ni Pokwang sa episode ng Magandang Buhay, March 15, Biyernes.

Ito raw ang show sa Abra kung saan dapat sana'y magsasama-sama sila noong March 9.

“Kasi dapat magkakasama kaming apat do’n,” dugtong ni Pokwang.

Sabi pa ni K, 43, silang apat sana ang "magko-close" sa show.

Pero hindi nagtagpo-tagpo ang schedule nilang magkakaibigan. 

Nag-cancel din daw si K bago makapirma ng kontrata.

“Tapos ako naman, last minute hindi ako pwede. As in meron nang kontrata magpipirma na sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The night before that, hindi ako pumuwede,” kwento ni K.

Bandang huli, si Chokoleit lang ang naging available na mag-perform sa nasabing show.

LAST BONDING, CONVERSATION WITH CHOKOLEIT

March 6, Wednesday—o tatlong araw bago pumanaw si Chokoleit—nang huli siyang maka-bonding ni Pooh, 44.

“Wednesday night, pero ano lang yon, baklaan lang.

“Tapos nakapaligid lang kaming friends… bonding-bonding, tapos yon, ganon lang," balik-tanaw ng Kapamilya comedian.

“Minsan magkukwentuhan, minsan hindi.

“Tapos, last gift niya sa ‘kin, yung Josh Groban concert.”

February 22 nang mag-perform sa Mall of Asia Arena ang American singer.

Ilang araw bago ang concert, tumawag daw si Chokoleit kay Pooh at nagtanong kung gusto nitong manood ng concert ni Josh, na paboritong singer ni Pooh.

Dalawang VIP tickets daw ang regalo ni Chokoleit kay Pooh.

"Nangumusta pa siya kung kumusta yung concert. Sabi ko, ‘Apat na beses niya akong napaiyak.’"

Sabi pa raw ni Chokoleit sa kanya, "'Maganda. Nag-enjoy ka.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan pa ni Pooh sa pumanaw na kaibigan. “Alam naman nating di siya malambing. Ang lambing kasi niya—harot.

“Pero yung lambing niya na yon, nangumusta siya, kamusta yung concert.”

Sabi naman ni Pokwang, bago raw pumanaw si Chokoleit, nood nang nood ang ABS-CBN comedienne ng mga past shows nila sa YouTube.

Nasa taping daw si Pokwang ng ABS-CBN gag show na Banana Split.

“Hindi ko alam kung bakit ako nood nang nood sa Youtube ng mga guesting namin.

“Di ko alam kung bakit binabalik-balikan ko yung nag-guest kaming apat dito,” na ang tinutukoy ay ang Magandang Buhay guest appearance nila noon.

Dagdag ni Pokwang, “Gusto ko lang kasing tumawa nung araw na yon. Binalikan ko yung guestings namin.

“Yung mga kalokohan namin sa Youtube; yung mga kalokohan naming… yung mga 4 Da Laffs,” na series of concerts nilang apat noon.

Sabi naman ni K, huli niyang naka-bonding si Chokoleit noong second birthday celebration ni Malia noong January.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THAT FATEFUL NIGHT

Nalaman daw ni Pokwang na pumanaw si Chokoleit habang nasa Bataan siya, kasama ang pamilya.

Natutulog na raw sina Pokwang noon, pero sunud-sunod ang pag-vibrate ng phone niya, at nakitang marami ang mga nagpadala ng messages sa kanya. 

Kabilang sa mga ito sina Angelica Panganiban, K, Vice Ganda, Pooh, at Liza Soberano na nagpaabot pa ng condolence.

Bago daw tumuntong ang alas-dose ng gabi ay tumawag si Angelica kay Pooh—na noon ay nagpapahinga—at inihatid ang malungkot na balita.

Kasalukuyan namang kumakain nang mag-isa sa isang restaurant sa Timog sa Quezon City si K nang tawagan siya ni Vice at ibinalita ang nangyari kay Chokoleit.

CHOKOLEIT’S LAST PERFORMANCE

Tinanong sina K, Pooh, at Pokwang kung napanood nila ang last performance ni Chokoleit sa Abra, na nakunan pa sa video at kumalat sa social media. 

Napanood daw ni Pokwang ang unang 15 segundo, pero hindi na raw niya ito kayang panoorin pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang video ay tumagal daw ng 27 minutes, pero sa tingin daw ni K ay hindi na natapos ni Chokoleit ang kanyang huling performance.

Paliwanag ni K, “Hindi tinapos. Lahat naman kami ang usual na kontrata is 45 minutes, so I think talagang pinilit lang ni Bakla.

“Knowing him, pinilit niya nang todo.

“Hanggang do'n lang ang kaya—27 minutes.

“So, believe me, when I say yung 27 minutes na yon, pilit po yon.”


Stories We Are Tracking

Angelica Panganiban recounts funny moments with Chokoleit
Angelica Panganiban recounts funny moments with Chokoleit
Vice Ganda monitors the last moments of Chokoleit in Abra
Vice Ganda monitors the last moments of Chokoleit in Abra
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit
Vice Ganda, John Lapus, Pokwang, K Brosas pay respects to Chokoleit
Vice Ganda, Pokwang, K, Pooh attend necro mass for Chokoleit
Vice Ganda, Pokwang, K, Pooh attend necro mass for Chokoleit

 

 


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN