Angelica Panganiban: "Nasa tamang edad na ako para magkaanak."

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya actress Angelica Panganiban, 32, says she is ready for a family life. "Yun ang ultimate goal," says the actress.


Seryoso si Angelica Panganiban, 32, sa hangad niyang magkaroon na ng anak at pamilya.

Sa isang recent press conference, inusisa ang Kapamilya actress sa previous tweets niya na gusto na niyang magkaroon ng anak.

“Oo naman! Nasa tamang edad na ako para magkaanak," sabi ng aktres sa finale press conference ng Playhouse, ang daytime teleserye sa Kapamilya network.

Ginanap ang presscon noong March 12, Martes.

“And ayoko namang mawala sa mundong ito na hindi ako nagkakaroon ng anak, so, gusto kong magkaroon ng pamilya; gusto kong magkaroon ng anak.

“Yun ang ultimate goal.”

NOT JUST SOME HUGOT LINE

Diin ng aktres, hindi lang simpleng pag-e-emote ang mga post niya tungkol sa pagnanais na magkaroon ng anak at pamilya.

“Siguro may mga personal na pag pinaparamdam mo yon sa social media, may gusto kang isigaw sa universe.

“Hindi parang ine-emote mo lang o parang inaarte mo lang.

“So, hindi siguro magandang sabihin na emote o hugot yon,” paliwanag ng aktres 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro hindi mo yon sasabihin para gumawa lang ng kung anong emote."

WHATEVER WILL BE, WILL BE

Kasalukuyang single si Angelica kaya hindi pa mangyayari ang pangarap niyang ito.

Career muna ang kanyang pagtutuunan ng pansin.

“May mga bagay na ibinibigay sa ‘yo na dapat i-prioritize mo kasi siguro ito muna. Ito muna ang asikasuhin mo dahil hindi pa para sa ‘yo.”

Pagkatapos ng Playhouse, nakatakdang gumawa uli ng ibang proyekto si Angelica this year, kaya hindi niya tiyak kung magkakaroon siya ng panahon na asikasuhin ang kanyang personal na buhay.  

“Kung ano na lang din ang ibigay sa 'yo ng mundo, yun na lang din yon,” sabi niya.

 

 


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN