Ronnie Ricketts found guilty of graft by Sandiganbayan

IMAGE Courtesy: Ronnie Ricketts on Facebook

Ronnie Ricketts refuses to issue statement following Sandiganbayan's decision to sentence him with imprisonment after he was found guilty of graft.


Hinatulang guilty sa kasong graft ang dating Optical Media Board (OMB) chairman na si Ronnie Ricketts ng Sandiganbayan, ngayong Biyernes, March 15.

Ito ay may kaugnayan sa diumano'y anomalyang kinasangkutan ni Ronnie, noong May 27, 2010, kung saan nagsagawa ang OMB operatives ng raid sa Quiapo, Manila.

Kasama si Ricketts sa mga operatibang nakumpiska ng 127 boxes at dakawang sako ng pirated DVDs at VCDs, sa Sky High Marketing Corporation. 

Dinala ng mga taga-OMB ang mga nakumpiskang DVDs at VCDs sa kanilang opisina, ngunit kinagabihan ay inilabas din ang mga ito.

Nadiin si Ronnie dahil sa statement ng mga saksing nagpatunay na siya ang nag-utos diumano na i-pull out ang confiscated items na isinakay sa elf truck ng Sky High Marketing Corporation, na walang approved gate pass.

Hinatulan si Ronnie ng anim hanggang walong taong pagkabilanggo ng Fourth Division ng Sandiganbayan.

Bukod pa rito, kasama sa hatol ang "perpetual disqualification from holding public office" kaya hindi na maaring manilbihan sa gobyerno ang action star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ring nahatulan sa parehong parusa ang co-accused ni Ronnie na si Glenn Perez, dating pinuno ng Enforcement and Inspection Division (EID) ng OMB. 

Bailable naman ang kaso kaya hindi pa ikukulong ang aktor hanggang hindi pa final and executory ang hatol ng korte.

Kailangan lang nilang magdagdag ng PHP30,000 bilang bailbond para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Tumanggi namang magkomento sa hatol ng Sandiganbayan si Ronnie.

Samantala, na-acquit naman ang dalawa pang akusado na sina dating EID head Manuel Mangubat at ang investigation agent na si Joseph Arnaldo. 


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN