Dawn Chang opens up about relationship with Justin Cuyugan

IMAGE Instagram

Dawn Chang reveals reasons why she fell for Justin Cuyugan: "Si Justin kasi super effort. Lahat nang hindi ginawa nang ibang lalaki sa showbiz, ginawa niya."


Ayon kay Dawn Chang, alam ni Arron Villaflor ang tungkol sa panliligaw sa kanya ni Justin Cuyugan.

Si Arron ang co-host ni Dawn sa isang segment sa morning show ng Kapamilya network na Umagang Kay Ganda (UKG) at nakasabayan nito si Justin, sa panliligaw sa dalaga.

Nabigo si Arron, kahit naging malapit na malapit sila ni Dawn sa isa’t-isa.

Kuwento ni Dawn, “Kinumusta nya ako noon, kumusta ka na, kumusta na kayo ni Justin?

“E, nanliligaw pa lang… halos sabay sila.  Justin naman respects yung tandem namin ni Aaron sa UKG.

“And I made it clear to Justin that I have this sort of tandem with Aaron.

"He was fine with it, I just wanna be friends with you.

“Si Arron naman, it wasn’t very clear with me before, to be honest.

“Maarte kasi akong babae. Ganito lang itsura ko, pa-sexy, liberated . But I’m very serious when it comes to relationship. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw ko nang pa-showbiz na relationship.  Gusto ko kunwari pag liligawan ako, liligawan ako ng maayos.

“Ayokong ipapasundo ako sa driver, ayokong pinadadalhan ako ng pagkain through a driver, through a P.A. [personal assistant].

“E, si Justin kasi super effort.  Lahat nang hindi ginawa nang ibang lalaki sa showbiz, ginawa niya.

“Kaya sya ang pinili ko.”

CHOOSING JUSTIN

Hindi naging mahirap para kay Dawn na sagutin ang pag-ibig ni Justin sa kanya.

Habang nanliligaw ang aktor, nag-research na si Dawn tungkol sa background ng buhay nito.

Pahayag ng dating Pinoy Big Brother 737 housemate, “Wala ako nang matagal dito sa Pilipinas kaya hindi ko alam.

“Siyempre, nong nanliligaw siya ni-research ko, kasi nga baka may girlfriend siya, baka may asawa.

“I saw that may kids. Siyempre, pag may kids may nanay. Sabi ko, ‘Naku, mahirap to, a.’

“It’s not ideal and I’ve never had any relationship sa ganung sitwasyon. But I found out that he’s a widower.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, namatay ang asawa niya, hindi siya hiwalay. As time goes by, narinig ko yung kanyang story. 

“Yung asawa nya kasi nagka-cancer.  He quit showbiz para alagaan yung asawa nya.

“And that means  so much to me, na prove nya through thick and thin magkasama sila.

“Di ba, if that happens to me he will do that same and I’m ready to do that as well. 

“Kung sinuman, kung si Justin ang napangasawa ko o hindi. Gano'n kasi ako.”

GOING STEADY FOR THREE YEARS 

Papuntang tatlong taon na ang relasyon nina Justin at Dawn.

Ibig sabihin ready itong magpakasal kay Justin?

“We are very serious, ayaw ko kasi talaga ng showbiz relationship. 

“Sa ngayon, siguro given a couple more years kasi priority ko ang work. 

“Bago pa lang ako sa industriya, e, and I’m very hungry for experience and I wanna give it more chance sa career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If he’s willing to wait, sige; if he’s not, anong gagawin natin?”

Thirty years old na si Dawn at si Justin ay thirty eight years old.

Sabi niya, “I like mature men, I don’t like men na walang kuwentang kausap. Gusto ko yung may matutunan ako.”

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dawn sa mediacon ng lalabas na comedy film under Regal Films, ang Papa Pogi.

Ginanap ang event nong March 7, Thursday, sa Valencia Events Place, QC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN