Chokoleit's remains to be laid to rest in Davao City

IMAGE Gerald Tabanag / Facebook

Chokoleit's remains will be cremated and buried tomorrow afternoon, March 17, Sunday, at Davao Memorial Park, according to his half-brother, Gerald Tabanag (in photo).


Marso 15, Biyernes, 7:00 PM nag-umpisa ang burol kay Chokoleit sa Cosmopolitan Funeral Homes ng Davao City, Davao del Sur.

Bisperas ng 82nd Araw ng Dabaw kaya abala ang mga Davaoeño sa paghahanda sa fiesta, pero dumagsa pa rin ang mga nagpugay sa Mahal Na Reyna (taguri kay Chokoleit).

Kabilang kaya sa mga nagbibigay-respeto ang mga baklang ayaw pasalihin noon si Chokoleit sa Miss Gay beauty pageant at sinabihan itong mag-parlor game na lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko sure,” sabi ng half-brother niyang si Gerald Tabanag nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Messenger nitong Sabado ng tanghali, March 16.

“Kasi, iba-iba e.

“Hindi lang din kasi ako ang nag-a-assist, kundi pati mga kapatid kong sina Buboy at Gilda.”

Dahil Araw ng Dabaw ngayon, maraming Kapamilya stars sa Davao City.

May promo ngayong Sabado ng 4:00 PM sa Almendras Gym ang pelikulang Eerie (Bea Alonzo & Jake Cuenca), at Kapamilya shows na Halik (Yen Santos, Sam Milby & Yam Concepcion) at Los Bastardos (Albie Casiño, Joseph Marco, Marco Gumabao, Joshua Colet & Jake Cuenca).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dumaan dito kanina sina Bayani Agbayani at Direk RC Perez,” sabi ni Gerald.

Past 4:00 PM ngayong Sabado ng hapon ay dumalaw din sa burol sina Phillip Salvador, Robin Padilla at ang senatorial candidate na si Bong Go.

In-upload ni Gerald sa kanyang FB Live ang pagdalaw ng mga ito.

May misa mamayang 7:00 PM sa punerarya.

Tuloy ang cremation bukas (Marso 17, Linggo) ng katawang-lupa ni Chokoleit.

Pero may pagbabago sa plano.

Noong una, iuuwi sana ang cremains ni Chokoleit sa bahay niya sa Town and Country Homes sa Cainta, Rizal.

Ayon sa latest update, pagkatapos ng cremation, ililibing na ang mga abo ni Chokoleit.

Bukas ng 2:00 PM ang misa sa Davao Memorial Park, kasunod ang cremation, at ang paglilibing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN