Nadine Samonte asks for prayers to surmount pregnancy complications

Nadine Samonte asks for prayers to help her surmount her contractions and other complications on her second pregnancy. She is currently on her 29th week and may be predisposed to premature birth.


Humihingi ng dasal ang aktres na si Nadine Samonte dahil sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang pagdadalantao.

Naka-confine ngayon si Nadine sa ospital dahil sa nararamdamang contractions sa kanyang tiyan.

Hindi pa due date ni Nadine pero dahil sa kanyang nararamdamang contractions, natatakot siya na baka mailuwal niya na premature ang second baby nila ng mister niyang si Richard Chua.

Nasa ika-29 week pa lang kasi ang tiyan ni Nadine at kailangan umabot siya ng 40 weeks para sa full-term ng pagbubuntis niya.

Ang hiling na dasal ni Nadine ay ang tumigil na ang nararamdaman niyang contractions para maging safe ang second baby niya, at para makauwi na siya at makasama ang kanyang panganay na si Heather Sloane na nakakausap lang niya via Facetime.

Naikuwento noon ni Nadine na noong mabuntis siya sa ikalawang pagkakataon ay na-diagnose siya with Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).

Isa itong autoimmune disorder na nagbibigay ng komplikasyon sa pagbubuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ilang epekto nito ay preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction, and fetal loss.

Heto ang post ni Nadine sa Instagram noong nakaraang March 15:

View this post on Instagram

I had my contractions last wednesday night i need to go immediately to the hospital since its every 5 minutes na i got scared. Im still now in the hospital for monitoring but thank God and thank you to everyone who prayed for me nawala ang contractions ko well ofcourse ang daming gamot and im still in the (MICU) Maternal ICU for observation i cant be visited nillabas lang ako pag andyan si hubby pero saglit lang i cant even see my daughter kasi iiyak sya pagumuwi ng hindi ako ksama i just face time her (thank God my facetime) nalang and super nagtatampo sya na wala ako sa tabi nya first time mawala sya sa tabi ko ng overnight or ganitong katagal huhuhuhu😔 ang hirp i wanna go home na missed her so much😔I still dont know when ill be going home. Pls pls im asking for your prayers na magtuloy ung pagstop ng contractions im just 29wks its too early i know we can survive this journey again. No signs of anything negative lahat ng results its just APAS talaga you know naman mga apas patients what im talking about biglaan lahat but im thankful to my Doctor , Dra. Sualao is very hands on and alaga talaga ako. And to my doctors , nurses and staff na nagaalaga skin dto thank you❤️ Sa lahat ng bumisita and gustong bumisita sorry not now bawal po talaga ill keep you posted everyone pag nakalabas ako or anything well you can see my husband posts everything naman.☺️Thank you to my hubby for cooking and bringing me food and visiting me😘 Thank you again to everyone. God is good. Another rainbow baby on the way🌈. Together we will fight this Titus just hold on Mommy got you🙏🏻😊💙 #strongerthanever #thankyouforyourprayers #hopingtogohome #imissyouHeather

A post shared by Nadine Chua (@nadinesamonte) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN