Eric Quizon has nothing but good words for BiGuel love team

Actor-director Eric Quizon has nothing but good words for Bianca Umali and Miguel Tanfelix, and cites their professionalism and exceptional acting talent as the key factors that make their love team successful.


Natutuwa ang actor-director na si Eric Quizon sa magandang takbo ng career ng Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix.

Nakatrabaho kasi si Eric si Miguel noong bata pa lang ito sa StarStruck Kids noong 2004.

Dinirek daw niya ito sa isang acting challenge nila.

“That time pa lang, nakitaan ko na si Miguel ng husay sa pag-arte.

“Kaya after StarStruck Kids, pina-cast ko siya sa dinirek ko na telefantasya na Majika.

“Kaya nagulat ako na 20 years old na pala siya at ngayon lang kami ulit nagkatrabaho dito sa teleserye na Sahaya.

“Happy ako that Miguel is doing well at bini-build siya na leading man.

“Tama ang nasabi ko noon that Miguel will go far in his career sa showbiz.

“Kita niyo naman at nagbida na siya sa maraming teleserye sa GMA.

“They are really taking good care of him at sa ka-loveteam niyang si Bianca Umali,” pahayag ni Eric sa media conference ng Sahaya sa Matrix Creation Events Venue in Quezon City last March 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SMITTEN BY BIANCA'S BEAUTY

Pinuri naman ni Eric ang ganda ng ka-loveteam ni Miguel na si Bianca Umali na naidirek niya with Miguel in 2014 sa mini-series na Seasons of Love.

“Gandang-ganda ako kay Bianca when I first worked with her.

“Para sa akin, she really has a unique face.

“Sa tinagal ko na sa industriyang ito, yung ganda ni Bianca is something na hahanap-hanapin mo.

“Yung tititigan mo talaga siya.

“She’s very interesting. At very Pinay ang beauty niya.

“Iba yung mukha niya. Hindi common yung ganda niya,” diin pa ni Eric.

VERY PROMISING LOVE TEAM

Kaya naman daw successful ang BiGuel loveteam dahil very professional daw pagdating sa kanilang trabaho ang dalawa.

“For a loveteam to work, kailangan ng cooperation from one another, di ba?

“I can see na maayos magtrabaho ang dalawa.

“May disiplina sila at bagay silang dalawa talaga.

“I’ve worked with so many loveteams sa pelikula at TV in the past and mararamdaman mo naman kung magtatagal sila o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the case of these two, mga bata pa sila ay magkasama na sila sa trabaho.

“Now that they’ve reached this age at magkasama pa rin sila, there’s something about their team-up that makes people want to watch them,” pagtatapos pa ni Eric na gumaganap bilang si Hubert sa Sahaya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close