Ashley Ortega fangirls over Austin Mahone

IMAGE Ashley Ortega Instagram

Ashley Ortega (left) was thrilled to meet American singer Austin Mahone during the latter's visit to the set of GMA-7's Sunday Pinasaya recently.


Nainggit ang maraming netizens sa pag-post ng Kapuso actress na si Ashley Ortega sa Instagram ng kanyang litrato kunsaan kayakap niya ang American pop singer na si Austin Mahone.

Dumating noong nakaraang linggo sa Pilipinas si Austin bilang part ng kanyang Asian tour at nag-guest ito sa Sunday PinaSaya.

Heto ang post ni Ashley noong nakaraang March 10: 

Sumikat ang 22-year old American singer na si Austin from San Antonio, Texas dahil sa kanyang YouTube videos noong 15 years old pa lang siya.

Isa sa nag-hit na videos niya ay ang cover version niya ng song na "Mistletoe" ni Justin Bieber.

Noong makontrata si Austin ng Chase/Universal Republic Records, naging hit sa Billboard charts ang mga awitin niyang “Brand New,” “What About Love,” “Wait Around,” “Say Somethin,” at “MMM... Yeah.”

Sa kuwento ni Ashley, nakasabay niyang nag-guest sa Sunday Pinasaya si Austin dahil may promo ang cast ng teleserye na Sahaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaharap lang daw ang dressing rooms nila at sumubok daw si Ashley na ma-meet niya si Austin.

Kuwento niya, “Crush na crush ko si Austin kaya nag-effort ako na makita siya talaga.

“Magkasama kami ni Ryzza Mae Dizon na pumunta na nag-try na ma-meet si Austin.

“Alam namin na very strict ang bodyguards niya pero nag-effort pa rin kami to see him.

“Kinausap namin yung bouncer at pati na yung manager ni Austin.

“Noong okey na sa manager ni Austin na ma-meet namin siya, ayun, nakapag-selfie kami ni Ryzza with Austin with matching video pa!

“He was very nice and very accommodating sa amin ni Ryzza.

“Si Ryzza nga, kilig na kilig!

“As in, nakakatuwa naman si Austin kasi ang guwapo niya, ang tangkad, 'tapos ang bait pa.

“Alam mong hindi siya yung mayabang. Very down to earth siya,” masayang kuwento pa ni Ashley.

Mas kinilig si Ashley noong mag-comment ng emoji si Austin sa pinost niyang photo nila sa IG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-like din si Austin sa mga pinost kong IG Stories.

“Nag-message ako sa kanya na it was great to meet him and hope that he enjoyed his visit to the Philippines.

“Nag-reply naman siya ng ‘link up soon’ because he was on his way to Jakarta.

“He’s very nice talaga kasi nakita ko sa social media yung ibang fans niya that he replies to as well.

“Kaya sobrang kinilig ako. Hindi ako makatulog!” kuwento pa ni Ashley sa media launch ng Sahaya sa Matrix Creatives Events Venue in Quezon City.

KONTRABIDA ROLE

Sa Sahaya ay gaganap si Ashley bilang kontrabida kay Bianca Umali.

Lahad niya, “I play Lindsay here at ito yung second time ko na maging kontrabida kay Bianca.

“Naging kontrabida na ako sa kanya sa Wish I May noong 2016.

“Pero mga bata pa kami noon.

“This time, mas mature na kami at primetime ang Sahaya.

“Kaya nag-iisip na ako ng iba’t ibang paraan kung paano ko tatarayan at aapihin ang character ni Bianca na magiging half-sister ko sa story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Enjoy na raw si Ashley na magkontrabida at maganda naman daw ang rapport nila ni Bianca.

“Kami ni Bianca we’ve been friends for a long time at maganda yung nagkatrabaho na kami before.

“This time nga lang, hindi lang sabunot at pagtulak ang gagawin ko sa kanya.

“Si Bianca naman, she’s a very good actress and I know na kakayanin niya ang mga gagawin ko sa kanya,” pagmamalaki niya.

SAD ABOUT GABRU BREAKUP

Nanghinayang naman daw si Ashley sa pagkakabuwag ng loveteam nila Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Close si Ashley sa dalawa kaya nagulat siya noong makarating sa kanya ang balitang wala na ang GabRu loveteam.

Pag-amin niya, “Siyempre nakakapanghinayang because na-establish na yung loveteam nila at may mga fans na sila.

“Pero it happened nga and their fans has to accept it.

“Hindi natin alam yung reasons nila, respect na lang natin iyon.

“I haven’t talked with both of them yet, but I know that they will still be there for each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko yung pag-bloom ng friendship nila and hindi nila basta ibabale-wala yung pinagsamahan nila.

“Kahit na wala na yung loveteam nila, as long as good friends pa rin sila.”




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN