Judy Ann Santos lauds Jodi Sta. Maria for finishing her studies

IMAGE @officialjudayph on Instagram

Judy Ann Santos takes her hat off to fellow actress Jodi Sta. Maria for pursuing her academic ambitions despite her busy showbiz schedule.


Dahil sa bilis ng panahon, sino ang mag-aakalang nag-fourteen years old na last November ang panganay na anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan?

Ano ang number one na sinasabi ni Judy Ann kay Yohan ngayong teenager na ito?

Lahad niya, “Basta mag-ingat lang siya.

Sa panahon ngayon, napakahirap nang magbigay ng advice sa mga bata.

Kasi nagbabago, e—bawat kendeng, bawat ganito, iba.

Nag-iiba talaga siya. Hindi mo alam kung ano yung nangyayari sa school.

Sabi nga nila, once nag-big school na yung anak mo, hindi mo na talaga alam kung ano ang nangyayari behind the walls of the school.

Ang palagi ko lang namang inaano sa kanya, if she has questions, wag siyang…

Do not keep things from us, para alam namin kung paano namin siya iga-guide.

Kung may mga moments na hindi niya alam kung paano i-face, para matulungan namin siya, she should be open enough to tell us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

There’s only so much that you can do as a parent, kasi nga sa panahon ngayon, hindi mo naman alam kung ano yung totoong sinasabi at ano yung hindi sinasabi, up until huli na yung lahat.

I always pray na lang na up to the last minute, maging open siya sa amin.”

UNFULFILLED WISH

Kapag may nagsabi sa tatlong anak nila (Yohan, Lucho at Luna) na gusto nilang mag-artista, papayag ba sila ng mister niyang si Ryan Agoncillo?

Pag-amin ni Juday, “Hindi naman maiiwasan, e.

Kung gusto nilang mag-artista, mag-aartista talaga sila.

Ang sa amin lang ni Rye, just give us good grades and finish your studies.

Kasi palagi ko din sinasabi kay Yohan, if there’s one regret na meron ako is hindi ako nakatapos ng pag-aaral ko.

Kasi parang feeling ko, at that time, nagtatrabaho na ako kaya hindi ko kailangang mag-aral, which is mali, maling-mali pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So hangga’t maaari, gusto kong ibigay nang buo sa mga anak namin yung experience of being a student, of experiencing things.

Kasi ang sinabi ko lang kay Yohan, wala kasi akong choice at that time.

I had to work. But wala naman akong sinisisi, it was my choice.

In fairness sa mommy ko, talagang ayaw niyang huminto ako ng pag-aaral.

Ako lang yung nagsabi na, ‘Puwede naman akong mag-aral Ma, anytime, pag nakaalagwa na ako.’

Hanggang sa alam mo yung tinamad ka ng mag-aral, 'tapos dumating nang dumating ang trabaho, 'tapos…

Maganda naman, maganda naman yung nangyari sa akin. Sobrang ganda naman.

Ang pinagsisisihan ko lang talaga is yung sana yung mga moments na nag-aaral talaga ako.

Kasi iba pala talaga yung maibibigay na confidence ng meron kang alam, na hindi ka lang basta artista.

Kaya bilib na bilib ako sa mga artista na napapagsabay nila yung pag-aaral at pag-aartista tapos guma-graduate sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakatuwa. Ako proud na proud ako kay Jodi [Sta. Maria] kasi nag-aaral siya.

Kita mo naman kung gaano ka-hectic yung trabaho niya, nakikita mo naman sa mga projects niya, pero gustung-gusto niya talagang mag-aral.

So I hope these young kids would look into that, yung follow the steps of Jodi kasi napakaganda niyang example sa mga bata.”

Last year ay nakatapos ng kursong Psychology si Jodi.

Naganap ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay si Judy Ann sa shoot ng Judy Ann’s Kitchen sa San Juan, Batangas noong February 2.

Nagsimula na kahapon, March 16, ang season 11 ng naturang online cooking show ni Judy Ann sa Facebook at YouTube channel nitong Judy Ann's Kitchen.

Malapit na ring mapanood ang pagbabalik-telebisyon ng Queen of Pinoy Soap Operas sa pamamagitan ng fantaseryeng Starla sa ABS-CBN.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN