Heart Evangelista answers bashers calling her “plastic, walang sincerity”

IMAGE @iamhearte Instagram


Hindi pinalampas ni Heart Evangelista, 34, ang akusasyong siya ay "plastic" at "walang sincerity" ng ilang bashers na bumabatikos sa Kapuso actress sa social media.

Nag-ugat ito sa magkakasunod na Instagram posts ni Heart kung saan bumisita siya sa isang palengke sa Sorsogon, ang hometown ng asawa niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Kaugnay ito ng kampanya ni Senator Chiz, 49, bilang kandidato sa pagka-gubernador sa Sorsogon sa May 2019 elections.

May ilang litratong ibinahagi si Heart kung saan nakipagkamay siya sa ilang mga tindera sa palengke, nag-selfie kasama ng kumpulan ng mga taong lumapit sa kanya, at tuwang-tuwang nagpa-picture sa isang tindahan ng mga isda.

Sabi pa ni Heart sa caption ng isa sa kanyang posts: "If you know me, you'd know that I love meeting new people.

"That's why I enjoy tagging along to my husband's campaign trips from time to time, because I get to go to different places and talk to different people – exchanging stories and sharing laughs with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's always so nice that I get to do this again and again and again!"

Sa comments’ section, kinuwestiyon ng ilang netizens ang diumano’y “pagpapakitang-tao” ni Heart dala ng pangangampanya raw ng Kapuso actress para sa asawang si Chiz.

Sabi ni @chinitapinay1000: "Sobrang ka plastican naman ms heart yung palengke scene mo. Di makakatohanan yung mga ganun action mo!

"Ang oa lang… walang sincerity parang ‘GIMIK LANG!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang netizen na may handle name na @itsgraciousness ang nambatikos din kay Heart.

Tila deleted na ang eksaktong comment nito, pero may ilang tagapagtanggol ni Heart ang sumagot na tigilan na nito ang akusasyong "pakitang tao" si Heart, dahil "natural" lang na suportahan nito ang mister na si Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalmadong sumagot si Heart sa comments' thread na ito.

Sabi ni Heart: "@itsgraciousness you may say what you want J I am only answerable to God [heart emoji] life is too short my dear (if you only knew the battles we all face and how fast our time here on eart is)… do good and do everything from your heart J at the end of the day I did my part … I served my purpose [praying emoji] pray before you post -" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parehong comments’ thread, sinagot ng long-time personal assistant ni Heart na si Resty ang isang netizen na nagsabing "sadsad" sa "ratings" si Senator Chiz.

Pero pinigilan ni Heart si Resty na makipag-debate pa sa mga bashers.

Sabi na lang ni Heart, "@resztyrose yaan mo Na ate" 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN