Maxene Magalona reveals advice she gave to brother Elmo post-Janella issue

IMAGE Noel Orsal

Maxene Magalona on brother Elmo: "I'm so proud of Elmo and how he handles everything that comes his way. Mas naging close siya kay God these past few years and nakakatuwa na makita ang growth niya as a man."


Buo ang suporta ni Maxene Magaloa sa nakababatang kapatid na si Elmo Magalona kaugnay ng paghihiwalay ng huli at ng ex-girlfriend at dating ka-love team na si Janella Salvador.

Naging laman ng balita noong huling bahagi ng 2018 ang rebelasyon ni Janella na pisikal daw siyang sinaktan ni Elmo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Maxene sa thanksgiving mediacon ng Playhouse noong March 12, naghayag ang aktres ng saloobin sa kinasangkutang isyu ng kapatid.

Pahayag niya, "Sabi ko nga kay Elmo, ito yung sinasabi ng dad namin sa amin dati na hindi tayo nagkaiba sa mga normal na tao.

“Just because lumalabas tayo sa TV, hindi ibig sabihin na hindi natin mae-experience normal problems na nae-experience every day.

"Sabi ko sa kanya, it's a chance for him to grow as a person.”

Sina Maxene at Elmo ay mga anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Maxene, “Alam mo, I'm so proud of Elmo and how he handles everything that comes his way.

“Mas naging close siya kay God these past few years and nakakatuwa na makita ang growth niya as a man.

“Of course, siyempre bilang ate, pinagsasabihan ko din ang mga kapatid ko, ipinapakita ko sa kanila.

“Kasi, sino ba naman ako para mag-judge? Hindi naman ako perpekto at marami din akong pinagdaanang pagkakamali.

“But you know, at the end of the day, we have to be there for our family and, at the same time, yung growth nila, yun ang i-support and encourage and be positive sa kanila.

“Kasi yun naman ang mahalaga.

“Hindi tayo perfect, but if we can all live together and be kind to each other, support each other, mas magiging maganda ang mundo natin.”

Kumusta na ngayon si Elmo?

Ayon kay Maxene, "Okay siya, pero siguro dapat siya ang tinatanong niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, ate niya ako, I love him and I support him, and pag kailangan niya ako, nandito ako para sa kanya.”

May sama ba siya ng loob kay Janella?

"Ayokong mag-ano. Basta everyone happy. Be kind," sabi ni Maxene.


Stories We Are Tracking

Janella Salvador, magsasalita na tungkol sa pananakit sa kanya ni Elmo Magalona
Janella Salvador, magsasalita na tungkol sa pananakit sa kanya ni Elmo Magalona
Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Elmo doing fine amid Janella's allegations against him
Elmo doing fine amid Janella's allegations against him


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN