Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi: "Maybe it’s better this way."

IMAGE @danibarretto and @kier_legaspi on Instagram

Dani Barretto says she and biological father Kier Legaspi have not been on good terms for six years now. And Dani says it is better that way.


“We were not in good terms and until now, we’re still not in good terms,” pag-amin ni Dani Barretto, 25, tungkol sa ama niyang si Kier Legaspi, 46.

Si Dani ay anak ni Kier sa dating girlfriend na si Marjorie Barretto, 44.

“To be honest, my dad and I never really had a solid relationship.

“All I know is he’s my dad, and that’s it,” pahayag ni Dani sa kanyang YouTube video na ipinost nitong March 16, Sabado.

Sabi pa ng dalaga, nasanay na lang siyang wala sa tabi niya ang ama habang lumalaki siya.

“We had a brief relationship, which was, like, two months, and it was nice.

“I’m not gonna say naman na parang I didn’t love him and I’m not gonna say I don’t love him.

“I guess when you’re apart for so long and you already grew up and nasanay ka na wala na yung tao sa life mo, you just feel, like, not naman that you don’t need the person… but it’s more like you’re okay without them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng panganay na anak ni Marjorie, hindi siya puwedeng husgahan sa kanyang sentimyento pagdating sa biological father dahil mahirap ang pinagdaanan niya.

NO EFFORT FROM HER FATHER

Inilahad ni Dani na may mga pagkakataong umasa siyang mag-effort ang kanyang ama, subalit hindi raw ito nangyari.

“In my end, I’ve been hurt a lot of times by this person. Not that I’m blaming him for everything.

“I probably have faults too, but at the end of the day, I’ve been wanting an effort out of him, but I never got it.

“So, as a child, siyempre lahat tayo kung may tatay ka, 'tapos ang tagal mong hindi nakikita ang tatay mo, 'tapos hindi ka naman ine-effort-an, siguro naman puwede rin naman akong magkabubog.

“Hindi porket dahil tatay ko yun, okay na lahat-lahat lagi.

“Hindi ganun. Nasaktan ako, e.”  

DANI: IT’S BETTER THIS WAY

Sabi pa ni Dani, mas mabuti na ring hindi sila nag-uusap ng kanyang ama dahil naiiwasan nilang saktan ang isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s better this way. My dad and I are not hurting each other anymore by not just talking.

“Maybe it’s for the best."

Sapat na raw na sinubukan nilang mag-usap, pero hindi talaga sila nagkasundo.

“We tried the talking thing and it did’nt work out well for us.

“We ended up not in good terms and maybe that’s just it. That’s how it’s meant to be.”

Ngayong 25-anyos na siya at ikakasal na sa non-showbiz boyfriend na si Xavi Panlilio, sinabi ni Dani na kuntento na siya sa kanyang buhay, hindi man sila nag-uusap ng ama.

“Okay na yung life ko. I grew up fine. My mom really raised me well.

“Not that I never thought I needed him,” pagtukoy pa rin niya kay Kier.

“Of course, at one point of my life, I thought I needed a dad, but kung wala sa harap mo, hindi mo naman puwedeng damdamin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Life goes on.

“At the end of the day, it’s on you, really.”

Malaki raw ang pasasalamat ni Dani na pinalaki siyang puno ng pagmamahal ng kanyang pamilya.  

Umaasa raw siyang sana ay proud sa kanya si Kier, hindi dahil kailangan niya ng validation ng ama, kundi para maisip nitong lumaki siya nang maayos.

"I got so much love form my mom alone. Best support system. Never felt unloved.

"Didn’t know why there was no dad. Emptiness, stepdad treated her well.

"I have nothing against my dad. Yun talaga, e… that’s life," mensahe ni Dani.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN