James Reid on breaking stereotypes in showbiz: "I didn’t want to feel like a robot anymore."

IMAGE Rachelle Siazon

James Reid on how he and Nadine Lustre break out of stereotypes on how a popular love team should act on and off cam: "It’s just really us wanting to be ourselves, express ourselves... So it's worth it."


Masaya si James Reid, 25, na nasa punto siya ng kanyang buhay na may kalayaang gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya nang hindi nagpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao.

Nakilala sila ng girlfriend niyang si Nadine Lustre bilang bahagi ng JaDine love team sa TV at pelikula. 

Pero hindi raw nila hinayaang madiktahan ng kanilang showbiz career kung ano ang dapat nilang ikilos sa likod at harap ng kamera.

Pahayag ni James: "Break the stereotypes? It’s just really us wanting to be ourselves, express ourselves.

"It gets to a point, especially in show business as a love team, I didn’t want to feel like a robot anymore.

"I wanted to do what I like. I wanted to do what I thought was great, what made me happy.

"So, it’s worth it." 

Sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina James at Nadine sa Mountain Dew Dew Day 2019 sa Market! Market! activity center, sa Taguig City, noong Sabado, March 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi idinetalye ni James kung anong partikular na desisyon sa kanyang showbiz career o personal life na masasabing binali niya ang stereotype sa pagiging isang matinee idol o bahagi ng isang kilalang love team.

Pero noon lang nakaraang Linggo, March 10, kinumpirma niya ang “live-in” status nila ni Nadine sa panayam ng aktor sa ABS-CBN late-night talk show Gandang Gabi Vice.

Dito natuldukan ang espekulasyong nag-ugat sa 2017 interview kay Nadine, kung saan nagpahiwatig ang aktres, pero hindi pa diretsahang umaming nakatira sila sa iisang bubong ni James.

Wala nang karagdagang impormasyong sinabi si James tungkol sa three-year relationship nila ni Nadine. 

MORE THINGS TO ACHIEVE

Sa ngayon, desidido raw si James na pagbutihin ang kanyang nalalapit na pagbabalik-telebisyon bilang hurado sa ABS-CBN reality search Idol Philippines, independent music collaborations, at isa pang pelikula kasama si Nadine.

"Oh, we have a lot to achieve this year. For Careless, we have another mixtape coming out and it’s pretty big.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We have so many different collaborations. It’s gonna be really fun.

"Me and Nadine, we’ll be having another movie together. I’m not sure when. Hopefully, this year.

"We’ve got places to go, places to see. There’s a lot to do this year."

Ang Careless ay ang music company na itinatag ni James at ng kaibigan niyang si Bret Jackson.

Super proud din daw si James kay Nadine dahil nakagawa ito ng first solo film nito, ang Ulan, sa loob ng halos limang taong nakilala sila bilang JaDine love team.

"It’s true! I fell in love with the character.

"The cinematography is really beautiful.

"For me, it’s the most visually pleasing Filipino movie I’ve ever seen," nakangiting sabi ni James.

Sang-ayon naman si Nadine na naiintindihan na rin ng viewers ngayon na hindi ibig sabihin na sila ni James ang nakilalang magka-love team ay sila’t sila na lang ang magkasama sa acting projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think people now are more open to a lot of ideas, para iba naman.”

Dagdag ng aktres, "I’m just really passionate about these things like—we want to do music, movies, acting.

"But these are things I don’t really have to think about. I just really want to do it.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN