Dani Barretto laments about bashers intruding into her private life

IMAGE @danibarretto on Instagram

Dani Barretto takes to social media to slam bashers who comment about her personal life. “ANG DAMING NIYONG SINASABI WALA NAMAN KAYONG ALAM."


Napa-comment si Dani Barretto, 25, via social media, dahil sa dami ng kanyang bashers.

Tatlong araw matapos lumabas ang YouTube video ng anak ni Marjorie Barretto sa dating boyfriend nitong si Kier Legaspi, sunud-sunod ang komento ng netizens sa social media, at marami rito ay mga pamba-bash sa personal na buhay ni Dani.

May kinalaman ito sa pagsasalita ni Dani, isang social media influencer, tungkol sa relasyon nila ng kanyang biological father.

Sinabi ni Dani na anim na taon na silang “not on good terms” ni Kier.

Sa kanyang pinakahuling Instagram post, kung saan nag-post siya ng larawan nila ng kanyang fiancé na si Xavi Panlilio, binatikos ng ilang netizens si Dani dahil sa pagsasalita nito tungkol sa ama.

Isang netizen ang nagsabing ginulat ni Dani ang publiko dahil sa pagsasalita niya tungkol kay Kier.

Buwelta naman ni Dani: “ikaw lang ang may hindi alam, girl. Everyone knows he’s my dad. Google it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumundot naman ang isang basher: “Hindi naman kasi sobrang fame para i google nuon kung sino tatay mo.”

Tirada ni Dani: “so bakit ka nasa Instagram ko ngayon? Patawa ka din eh, HAHAHAHAH”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan lang ito sa bashers na nagkomento sa Instagram post ni Dani.

Mayroon din namang ilang netizens na nagtanggol sa dalaga.

DANI’S TWEETS ABOUT BASHERS

Pero bunsod ng mga pambabatikos sa kanya, hindi naiwasang mag-tweet ni Dani tungkol sa bashers.

Tweet niya nitong March 18, Lunes: “ANG DAMING NIYONG SINASABI WALA NAMAN KAYONG ALAM. HECK, NI HINDI KO NGA KAYO KILALA EH. Ano to, comedy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Putulan na nga ng mga internet tong mga bashers na to. Wala naman kayo natutulong sa mundo."

Himutok pa ni Dani: “Social media is great and all, but it also ruins your faith in humanity.

"I get that this is part of my job, and has been part of my life since forever.

"But what happend to being kind to one another?

"Why is everyone suddenly so involved with other people’s lives? Its so toxic."

 


Stories We Are Tracking

Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi
Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto
Dani slams netizens mocking Bela for being single
Dani slams netizens mocking Bela for being single
Dani Barretto engaged to non-showbiz boyfriend
Dani Barretto engaged to non-showbiz boyfriend


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN