Direk Carlo J. Caparas spearheads revival of local komiks industry


Director and former comics strip creator Carlo J. Caparas finally realizes his dream of reviving the local komiks industry.



Sa mukha pa lang ng mga komiks writers and illustrators na dumating at nakiisa sa ginanap na paglulunsad ng pagbabalik ng komiks sa Pilipinas kanina, July 26, sa NCCA Building sa Intramuros, Manila, mababakas ang pagkakaroon muli ng kakaibang pag-asa sa kanila.



Pinangunahan ng direktor na si Carlo J. Caparas ang presscon/launching ng pagbabalik ng komiks sa Pilipinas. Katulad sa mga pelikulang ipinuprodyus at idinidirek ni Carlo, kasama pa rin niya ang kanyang maybahay na si Donna Villa sa adhikaing maibalik ang industriya ng komiks sa Pilipinas, lalung-lalo na sa mga masa.

Ayon kay Direk Carlo, may publication na nga raw na handang sumugal at bumuhay muli sa komiks—ang Sterling Publications. In fact, for five years ay may mga manunulat at illustrator na nakakontrata sa Strerling Publications. Kaya nakasisiguro na ng panibagong hanapbuhay ang mga komiks writers and illustrators sa bansa.



Suportado rin ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbabalik muli ng komiks, na pinaniniwalaang isa sa mabisang paraan noong araw, hindi lang bilang pangunahing libangan kundi pinanggagalingan din ng iba't ibang kaalaman.

Sa komiks nagmula ang ilan sa pinakatanyag na superheroes at iba pang well-loved characters gaya nina Darna, Captain Barbell, Dyesebel, Lastikman, at Ang Panday. Maging ang ilan sa pinakamagagadang pelikula ay hango sa mga istorya mula sa komiks.



Sa September 4 na ang unang issue ng five titles ng mga komiks na ipa-publish ng Sterling. Ito ay ang Carlo J. Caparas Komiks, Pilipino Klasik, Tagalog Komiks, OFW Komiks, at Guwapo Komiks.



Bawat komiks issue ay naglalaman ng 32 pahina, nagkakahalaga lamang ng sampung piso at may bagong anyo at kalidad.



Naniniwala naman si Donna Villa na sa pagbabalik ng komiks, babalik din ang hilig ng mga bata sa pagbabasa at ang paggawa ng maraming pelikulang Pilipino.



Sabi nga ni Donna, "Alam n'yo naman ang tao, kung ano ang nababasa nila sa komiks, gusto nilang mapanood din ito sa movie tulad noong araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN