Katarina Rodriguez dismayed over Miss World 2018 presentation: "Mukhang game show."

IMAGE Noel Orsal

Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez laments over Miss World 2018 presentation: "And if you watch it, parang mas mukhang game show. Parang ang feeling doon, parang game show talaga."


Hanggang ngayon ay dismayado pa rin si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa kinahinatnan ng pagsabak niya sa Miss World 2018.

Si Katarina ang kinatawan ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant na ginanap noong December 2018 sa Sanya, China, pero hindi man lang siya pumasok sa Top 30.

Ayon kay Katarina, ang nangyari sa Miss World 2018 ay hindi ang inasahan niyang konsepto ng isang international pageant.

Saad niya, “Well, I actually knew a week before and, unfortunately, Miss World wasn’t what I thought it’s gonna be.

“I think of traditional pageant talaga, you hear Miss World, you think really traditional pageant.

“And if you watch it, parang mas mukhang game show.

"Parang ang feeling doon, parang game show talaga."

Dito ay binanggit ni Katarina ang representative ng Pilipinas sa Miss World 2016 na si Catriona Gray, na nakapasok sa Top 5 pero hindi napabilang sa tatlong winners.

Ayon kay Katarina, “I’m sure, you remember na sumali si Catriona Gray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She won lahat ng mga awards but she wasn’t even first runner-up.

“I think throughout, if you watch it, you’ll see how the pageant is, the type of pageant it is.

“And I think that speaks for itself because using her experiences as an example and my own experience as an example, you will really see, okay, there’s something that they do differently from the likes of Miss Universe, of Miss International, at yung iba pang pageants.

“You’ll know when you watch it na lang.”

Pagkalipas ng dalawang taon, napagwagian ni Catriona ang korona ng Miss Universe 2018.

Eksklusibong nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katarina sa story conference ng una nitong pelikula, ang G! LU (Go! La Union), kahapon, March 19.

Bukod kay Katarina, kasama rin niya sa pelikula sina Chanel Morales, Michelle Dee, Cynthia Thomalla, Sophia Senoren, at Kimi Mugford.

Makakatambal naman nila sina Kiko Estrada, David Licauco, Teejay Marquez, Enzo Pineda, Marco Poli, Dominic Roque, at Derrick Monasterio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa June 2019 ito ipalalabas sa mga sinehan.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN