Zoren Legaspi gets frustrated over indecisiveness of twins Mavy, Cassy

IMAGE Noel Orsal

Zoren Legaspi on showbiz career of twins Mavy and Cassy: "Actually, naka-hold pa rin sila kasi… naka-hold, hindi namin pinu-push to the point na maging full-blast na artista dahil hindi namin alam kung talagang gusto nila."


Kahit lumalabas na sa mga programa ng GMA-7 ang kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy, wala pa rin kasiguraduhan kung magtutuluy-tuloy na ang dalawa sa pag-aartista.

Ayon kay Zoren, “Actually, naka-hold pa rin sila kasi… naka-hold, hindi namin pinu-push to the point na maging full blast na artista dahil hindi namin alam kung talagang gusto nila.

“Ang usapan with GMA, try-try lang, hayaan mo silang mag-enjoy muna. Hosting ganyan, yung Sarap Di Ba?

Ang Sarap Di Ba? ay ang weekly show ng kambal kasama ang kanilang ina na si Carmina.

Napapanood din sina Mavy at Casst sa Sunday musical-variety show na Studio 7.

Hindi pa magteteleserye ang kambal?

“Iyon ang magiging problema. Kasi, pag binigyan namin ng go-signal ang GMA-7, na okay, open na sila for teleserye, definitely bibigyan kaagad ‘yan,” saad ni Zoren.

Ano ang problema?

"Hindi ko alam kung gusto ba talaga nila," pakli ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano, confused sila! Confused. Kasi ako nga lang ang nag-push sa kanila na, ‘Hindi, pipirma na kayo sa GMA.’

“Hindi ko na inalam yung… pinush ko na sila dahil ayaw nilang mag-decide.”

Eighteen years old na ang twins.

“Iyon na nga. Normally, dapat nagde-decide ka, 16, 17, 18.

"Kasi, mali-late ka pag 19 or 20 ka mag-decide. Hindi ganun kadali."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren sa grand mediacon ng Sahaya noong Marso 12, Martes, sa Matrix Creation Events.

WHAT ZOREN WANTS

Ano ba ang gusto ni Zoren para sa kambal?

“Gusto ko malaman kung ano ang gusto nila! Kaya ako naiinis,” sagot niya.

Bakit hindi niya tanungin ang kambal?

“Kasi kunyari, meron akong mga project for myself, na pelikula, minsan iniisip ko yung anak ko, ‘Bigay ko na lang sa anak ko yung project, ako na lang magdidirek.’

“So, hindi rin ako maka-move on.

"Pag tinanong ko naman si Maverick, ‘Gusto mo ba?’ ganyan-ganyan, ‘Ah, it’s okay dad, ikaw na lang muna.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun ang sagot.”

Baka hosting ang gusto ng kambal at ayaw umarte sa teleserye?

“Gusto nila. Ang problema, masyadong in love sa mga kaibigan nila, sa school.”

Ayaw nina Mavy at Cassy na mawalan ng time with their friends at sa school activities?

“Iyon ang naiisip ko. Katulad nung… actually, nahirapan si Maverick nung pumirma sa GMA, kasi igi-give up niya yung varsity. Basketball team niya iyon, e.

“I mean, nasaktan siya, umiyak siya dahil last year na niya, gusto niyang maglaro.

"Buti naman, napagsabay niya. Buti naman, hindi siya na-kick out ng team.

"Si Cassy, alam ko, gusto niya. Ang problema, mahiyain."

Kapag nagro-roll na ang kamera sa Sarap Di Ba? ay nawawala na ang pagkamahiyan ng dalaga.

“Pero ano pa, konting panahon pa,” sabi ni Zoren.

BACK-TO-BACK TELESERYES

Ngayon lang sabay na may prime-time teleserye ang mag-asawang Zoren at Carmina.

Nasa Kara Mia si Carmina, at nasa Sahaya si Zoren. Magkasunod din ang timeslots nito sa prime time ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Normally kasi, siya yung may soap. Pagkatapos ng soap niya, ako ang magkakaroon. After ko, siya yung magkakaroon,” banggit ni Zoren.

Sa Kapag Nahati ang Puso last year ay may eksena si Zoren na naka-shorts lamang at walang underwear na nakipag-mud wrestling.

Sa Sahaya ba ay may mga eksenang shirtless si Zoren?

“Palalagyan ko! Dapat nga, e, palalagyan ko.

"Ang sabi ko, ‘Nagte-taping tayo sa dagat, lahat tayo mga nakabalot?’

“Di ba? Dapat ‘yan, may mga skin!” at tumawa si Zoren.

“I mean, the situation calls for it.

"Ang problema lang, kung physically ready ka. I mean, kung physically fit ka.”

Ready ba si Zoren physically?

“Mukha naman!” at muling tumawa ang Kapuso actor.

Regular mag-workout sa gym si Zoren.

“As much as possible, almost every day. Kasi, more on cardio ang ginagawa kong workout ngayon, hindi yung gym na barbell.

“Kasi, ang nagiging problema ngayon, kailangan yung mga artista, super-payat. Kasi, puro wide screen na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kunyari, nag-muscle ka, sa TV, hindi muscle ang dating. Parang taba lang ang dating.

"So, kailangan talaga super-slim."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN