Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised

IMAGE Instagram

Gretchen Barretto on Dani Barretto's pronouncement: "I was hoping I raised or I gave love to people who at least can be grateful, at least, yun lang. Not counting the material things that you gave away at that time, the time, the attention yun lang. Yun lang a little respect.”


Hindi ikinatuwa ni Gretchen Barretto ang sinabi ng pamangking si Dani Barretto na tanging ina lang niyang si Marjorie Barretto ang nagpalaki sa kanya.

Ito ang naging reaksiyon ni Gretchen sa YouTube video na in-upload ni Dani noong March 16.

Sa naturang video ay naghayag si Dani ng kanyang saloobin tungkol sa biological father niyang si Kier Legaspi, na hindi raw niya nakasama dahil tanging ang inang si Marjorie ang mag-isang nagpalaki sa kanya.

Sa pamamagitan ng Instagram Live—na nagsimula ng maghahatinggabi ng March 20 at nagtapos ng madaling-araw ng March 21—pinaalalahanan ni Gretchen si Dani tungkol sa mga nangyari mula noong ipinagbubuntis pa lamang ito ng inang si Marjorie.

Kasamang nag-live broadcast ni Gretchen ang bunsong kapatid at tita rin ni Dani na si Claudine Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang punto ng kanilang Instagram Live, napag-usapan nina Gretchen, Claudine, at ilang kaibigan ang tungkol sa hindi umano pag-imbita sa kanila sa nalalapit na kasal ni Dani at fiancé nitong si Xavi Panlilio.

May nagtanong kung pupunta ba sila sakaling imbitahan sila.

Mariing sagot ni Gretchen, “No.”

Dito na naungkat ang tungkol sa video ni Dani kung saan naglabas siya ng saloobin tungkol sa amang si Kier.

Komento ni Gretchen, “Yeah, actually kanina, when I woke up, a lot of people called me and then sent me about that article about Dani... ano pa nga ulit sabi ni Dani?”

Sinagot si Gretchen ng isa sa kanyang kaibigan na ang ina lang daw nitong si Marjorie ang mag-isang nagpalaki kay Dani.

Dito na naglitanya si Gretchen.

Saad niya, “Ako ha, to be really upfront about it, normally I would not talk about it.

“Yung mga ganyan-ganyan kasi, puwede namang sabihin, ‘Hayaan mo na, alam naman ng tao.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you know, ako kasi, like I told you a long, long time ago...

"Now kasi, I’m more cautious from the time I used to love other people parang pinipili ko na.

“Kasi siyempre, nasaktan na ako many times. So now, I’m very careful.

"Pero nung araw, of course, I’m so much younger when Dani was born, I was probably 23? Twenty-three years old."

Patuloy ni Gretchen, “And then, I’d like to refresh everyone’s memory, when Marjorie was pregnant, she lived in my house in Blue Ridge [Quezon City].

“You know, I don’t know if you [Dani] know that, but your mom... and Tita Dolor [Guevarra] knows that because she would visit me.

“So, Marjorie lived with me when she was pregnant.

“Kier was, if I’m not mistaken, less than 20 years old or 20 years old.

“So I know that he was working, Kier was doing movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nag-uumpisa pa lang siya, he was not naman earning a lot, a lot of money…

“So Dani, when Dani was born, Marjorie was living in my house.”

GRETCHEN: “AYOKONG MAGBILANG”

Ayaw raw sanang banggitin pa ni Gretchen ang tulong na nagawa niya, ngunit kailangan daw itong maalala ng mga taong nakalilimot.

Pagpapatuloy niya, “You know, ang pangit, babalikan ko, babalikan ko ba, like, yung ginastos ko to, ginawa ko 'yan'?

“You know, ayokong magbilang.

"Ang sinasabi ko lang, Marjorie and Dani lived with me in Blue Ridge.

“Nanganak si Marjorie, at that time, she was doing movies with Viva Films, but she never took up the way Claudine’s or my career, you know.

“I don’t wanna belittle anybody, but she never really took off as an actor.

“Kaka-nineteen lang niya [Marjorie] nung ipinanganak siya [Dani]."

Ayon kay Gretchen, “Nagtatrabaho ako.

“Ako po ang nagbayad ng hospital bills. Natural, pamangkin ko siya, anak siya ng kapatid ko na minamahal ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She needed a yaya, Yaya Susan, ako po ang nagsuweldo..."

Diin ng aktres, "Hindi po ako nagyayabang. I’m just trying to refresh the memory of everybody.

“So, in other words, the reason kung bakit ko sinasabi, I’m trying to say na kung magmahal ako, nagbibigay kami hindi dahil gusto kong ipagyabang years later.

“No, ganun ako magmahal.

“Ganyan tayong mga Pilipino, nasa kultura natin 'yan, kung sinong nakakaangat, siya ang tutulong sa pamilya at lalung-lalo na kung paborito mong kapatid.

“So, Dani was the apple of my eye. I didn’t have any children yet [at that time].

“I provided everything, including love and attention.

“And so did Claudine.”

SICKLY CHILD

Sa kabuuan ng kanilang IG Live, madalang lang sumabat si Claudine at hinahayaan niya ang kanyang Ate Gretchen na magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sinabi ni Claudine na sakitin daw noon si Dani.

Aniya, “Si Dani ay sakitin na bata.”

Kasunod nito, si Gretchen na muli ang nagsalita.

Sabi niya, “She has a psoriasis ba yun or asthma of the skin, she had asthma.

“Darling, ako ang nagdadala sa ospital, sa doctor. Ito [Claudine] ang nagbabantay sa ospital.”

Kuwento pa ni Gretchen, “Many, many years went on.

"Of course… Dennis Padilla and Marjorie were together already, they were living-in already when Marjorie was pregnant with Dani.

“Of course, Dennis was doing very well at that time.

“He was doing movies also sa Viva Films.

“So, ang nangyari dun, Dennis also provide food, and beyond just food, taking other bills.

“He was doing well in show business.

“Itinuring talaga ni Dennis Padilla si Dani na gusto nga niyang i-adopt.”

May tatlong anak si Dennis kay Marjorie—sina Julia, Claudia, at Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A LITTLE RESPECT”

Sa IG Live, na halos umabot ng dalawang oras, tinanong si Gretchen ng kanyang mga kaibigan kung bakit nasasaktan siya gayong si Kier naman daw ang pinatutungkulan ni Dani.

Paliwanag ni Gretchen, “Dani saying that ‘only my mom raised me, siya lang, she raised me all alone...’

“'Tapos sabi niya ano… 'Hurt ba ako? No naman.'

"Minahal ko si Dani. I thought I was her second mother.

“So, parang ngayon, yung sinabi na, 'My mom was the only one who’s there for me who raised me alone, on her own...'

“Ano ako, multo? Ano si Claudine, multo?

“Parang for me, ouch. Di ba, parang ouch!

“I was hoping I raised or I gave love to people who at least can be grateful, at least, yun lang.

“Not counting the material things that you gave away at that time, the time, the attention, yun lang.

“Yun lang, a little respect.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng sinumang nabanggit sa artikulong ito. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN