K Brosas, Pokwang, Kakai fume over unauthorized use of Chokoleit photos for herbal ad

IMAGE Courtesy: @kbrosas / @itspokwang27 / @ilovekaye on Instagram

K Brosas, Pokwang, and Kakai Bautista fume over Facebook post which used the photo of their late friend, Chokoleit, for an advertisement.


Inalmahan ni K Brosas ang Facebook post ng isang herbal supplement na ginamit ang larawan ng yumao niyang kaibigan na si Chokoleit.

Nilapastangan daw nito ang mga alaala ng namayapang komedyante.

Namatay si Chokoleit noong March 10 pagkatapos mag-perform sa Bangued, Abra, dahil sa atake sa puso.

Siya ay 48 taong gulang.

Sa post ni K ngayong Huwebes, March 21, tinawag niyang pambabastos ang ginawang post ng “Vegiemax.”

Sabi ng singer-comedienne sa kanyang post: “Sinong hindi mang gigil SA ganito?!

“Actually kahapon May na post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa Fb page ko, pero infer nag apologize yung mismong company kc dealer lang daw yung nag post.. pero ito iba!!!

“Nag comment na kami nila @pooh_tik At @itspokwang27 na burahin At paki explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit SA promo NG nyetang vegiemax nila??

“Aba! Imbes na burahin yung post nila.. binura yung comments namin?! Wow!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ang hindi ko kinaya eh nag comment pa sila na 'kung naka take c Chokoleit NG vegiemax, malamang buhay pa sha' (SWIPE para makita) .. seriously?!!

“BAWAL po yan FYI.. ang pag gamit NG pic NG sino Mang artista na di nyo endorser o walang permiso... ano pa kaya kung patay na?!!"

Nanggagalaiti pa niyang sabi: “Pwede kayong idemanda Mga dimunyu kayo!

“Pwede tayo mag negosyo At mag trabaho NG tamang paraan.. wag Mang gamit ng ibang tao At RESPETO lang naman!

“Dahil dinedma nyo mga comments at paki usap namin.. ayan! Sikat kana!!

“Palakpakan!!”

Kalakip ng mensahe ni K ang tatlong screenshot ng nasabing Facebook page.

Ang isa rito ay komento ng administrator ng Vegiemax:

“Wala naman po ngsabi na gumamit cya.

“Kung nka take po cya ng Vegiemax, malmang buhay pa cya just like many other na ngyon ay masaya sa pigging healthy after taking our product."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POKWANG, KAKAI REACT

Sa comments section, nag-react sina Pokwang at Kakai Bautista sa nasabing post.

Sabi ni Kakai, "SOBRANG KAPAL NG MUKHA. 

"MGA UNGAS!!!!!!!!"

Sabi naman ni Pokwang, "ayaw mag hanap buhay ngbpatas mga hayop nayan!!! palaklak konkaya sa kanya lahat yan ng isang inuman lang? buhay pa kaya yang hayup nayan???"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay naman si K ng update tungkol dito. 

Sabi niya kay Pokwang, "@itspokwang27 Naku eto paaaaa.. nag direct message pako SA kanila para mabura na dapat kanina Pa, ang sagot ay "Di po gumagana delete botton eh"

"shunga lang? Sabi ko, na delete nyo comments naming lahat pero di ma delete yung post?! 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun.. nung pinost ko to saka nag delete Mga Dimunyu!"


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN