BB Gandanghari suffers from anxiety attack, emotional distress due to "workplace bullying"

IMAGE @gandangharibb on Instagram

BB Gandanghari takes to Instagram to reveal that she was hospitalized due to severe emotional distress and anxiety attack.


Matinding anxiety attack at emotional distress ang nararanasan ni BB Gandanghari, 51, bunsod ng diumano'y pambu-bully at diskriminasyon sa kanya sa trabaho.

Ito ang ibinahagi ni BB sa kanyang Instagram post nitong Biyernes ng umaga, March 22.

Kasalukuyang naninirahan si BB sa U.S., kung saan nagtatrabaho siya bilang Uber driver.

Sa kanyang recent Instagram post, makikita ang larawan ng kanyang kamay na may suot na hospital wristband.

Sabi ni BB sa caption, nakararanas siya ng pang-aalipusta sa pinagtatrabahuan dahil sa pagiging transgender at dahil sa kanyang lahi.

Ang ikinakasama pa ng loob ni BB, ang kanyang pinagtatrabahuan ay sinasabing “SAFE ZONE” sa mga taong kagaya niya.

Bahagi ng mensahe ni BB: “Say NO to workplace BULLYING.... What would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?”

Inirekomenda raw ng kanyang doktor na magpahinga muna siya sa trabaho at magpaospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My body’s a train wreck that I was advised by my doctor to pause from work as I deal with this extreme emotional distress and severe anxiety attack that’s causing my blood pressure to shoot up. So help me God.”

Ginamit din ni BB ang mga sumusunod na hashtags: "#SayNoToBullying #NoToDiscrimination #NotoRacism #NotoHypocrisy"

Habang nagtatrabaho bilang Uber driver, sinusubukan din ni BB ang kanyang suwerte sa Hollywood.

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN