Agot Isidro admits relationship with senatorial candidate Pilo Hilbay

IMAGE Courtesy: Ron Gagalac on Twitter

Agot Isidro on boyfriend and senatorial candidate Pilo Hilbay: "Karespe-respeto naman yung tao, e, saka nakakahanga."


Usap-usapan ngayon sa social media na may namumuong relasyon sa pagitan ng singer-actress Agot Isidro, 52, at ni Otso Diretso senatorial candidate Pilo Hilbay, 45.

Sa pilot episode ng radio program na ALL KAPS, Oh Well, It’s Noel Ferrer, na umere sa Ateneo Campus Radio ngayong Biyernes ng hapon, March 22, inamin ni Agot na may relasyon nga sila ni Hilbay.

Gaano na sila katagal?

Tugon ni Agot, "Not very long."

Nagkadebelopan daw ang dalawa sa meetings nila bago pa man magsimula ang campaign season para sa May 2019 elections.

Napabalita noon na isa si Agot sa pinagpipilian ng Liberal Party na maging kandidato nila para senador.

Pero ayon sa singer-actress, magkakilala na sila ni Hilbay noon pa man.

“Two years ago. We met sa mga meetings ng mga progressive friends.

"Yun, nag-meet kami dun and then naging smaller group yun.

"'Tapos we met often 'tapos kami na lang nagmi-meet."

Sabi pa ni Agot tungkol sa kanyang politician-boyfriend, “I respect him, he respects me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Karespe-respeto naman yung tao, e, saka nakakahanga.

"Gusto ko kasi yung tinitingala ako."

Si Agot ay hiwalay na sa dating asawa na si Manu Sandejas.

Ikinasal sila noong October 7, 2000, St. John Bosco Church, Laguna Technopark, Sta. Rosa, Laguna.

Pagkatapos ng sampung taon, naghiwalay sila noong 2011.

Wala silang naging anak.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN