Harlene Bautista gets asked about rumored boyfriend from That’s Entertainment

IMAGE Noel Orsal

Harlene Bautista is rumored to be in a relationship with a former That's Entertainment member.


Isa si Harlene sa directors na napili para sumali sa Short Film category ng 2019 Sinag Maynila filmfest. Ito ay gaganapin mula April 4-17 sa select cinemas.

Bilang producer, sunud-sunod ang mga proyekto ni Harlene. Noong December 2018, ang film production company nila na Heaven's Best Productions ang nag-produce ng Metro Manila Film Festival entry na Rainbow's Sunset.

Sadya bang nagpapaka-busy siya sa career?

“Kinda,” sambit ni Harlene nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recent presscon ng Sinag Maynila. 

“Lagi namang may ginagawa.

“Mabuti na yung lagi kang may ginagawa kesa nganga.”

Hindi kaya dahil sobrang inspired lang siya kaya ang sipag niya magtrabaho ngayon?

“So, matagal na akong inspired? Ha-ha-ha! Kasi lagi naman akong may ginagawa.

“Of course, yung mga anak ko. Sila naman talaga yung reason kung bakit gusto kong may mangyari sa akin, ganoon. Dahil para sa kanila naman yun. At the end of the day, para sa kanila naman yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW BOYFRIEND?

Usap-usapan sa showbiz na meron siyang bagong boyfriend, totoo ba ito?

“Love life, marami diyan,” bitin na sagot ni Harlene.

Totoo bang dating member ng That’s Entertainment ang kanyang bagong boyfriend?

“May That’s pa ba? Ha-ha-ha!"

Kumusta ang lagay ng puso niya?

“So far, okey naman.”

Saan kaya nagsimula ang usok sa balitang dating taga-That’s Entertainment ang bago niya inspirasyon?

“Siguro ano, dahil, uh... yun yung pinakamadaling isipin?

“Kasi siyempre, may mga naka-love team ako dati, di ba? So, I think yun lang yun.

“Kasi, unless maisip nila na nagbalikan kami ni Direk Rico Gutierrez, pwede rin?

“Why not? O, sino pa? Ako na ang magsasabi. Ha-ha-ha!”

Dati ba niyang naka-love team sa That’s noon? Si Michael Locsin ba?

“Meron pa, hindi ninyo lang alam. Ha-ha-ha!

“Siyempre, yung mga hindi ko naka-love team talaga. Pero off-cam naging kami. O, yung ganoon. O, yan.”

Sila na ba ulit nung guy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, ibig kong sabihin, pwedeng ganoon. Kaya siguro naisip na ganoon, kasi may mga naging dati naman," tukoy uli ni Harlene sa tsismis na isang dating taga-That's ang ka-on niya ngayon.

SETTLING ANNULMENT

Ano ang masasabi niya sa balitang may bago nang girlfriend ang dati niyang asawang si Romnick Sarmenta?

“Goood!” mahaba niyang bigkas.

“Good for him.”

Nag-file na siya ng annulment, tama ba?

“Yes,” mabilis niyang tugon.

“Oo, okey na. Okey na siya.”

Ano ang reaction ng mga anak nila sa pag-file niya ng annulmemt?

“Siyempre, unti-unti,” sabi ni Harlene.

“Unti-unti, unti-unti. So far, okay naman na sila.

Ano ang status nung kaso?

“Ay, he-he. Wala namang kaso. Hindi ano, umaandar naman siya,” pagtatapos ni Harlene.




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN