Manolo Pedrosa admits getting turned on by Kyline Alcantara’s passion

IMAGE @itskylinealcantara (left), @manolopedrosa on Instagram

Manolo Pedrosa (right) sees how busy and passionate Kyline Alcantara (left) is with her work, and that turns him on.


Bida ang tambalang KyNolo nina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa sa pelikulang Black Lipstick, na ididirek ni Julius Alfonso.

“Siyempre as an actor, I wanna fulfill my dream to have a movie and nabigyan agad. It’s a break po and napi-pressure din ako,” sabi ni Manolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa storycon ng movie noong Marso 17, Linggo nang hapon sa The PARC Foundation, Lt. Artiaga St., San Juan City.

“I want to work hard in this movie and yun, pagbubutihin ko pong talaga.”

Isang university heartthrob ang karakter na gagampanan niya pero nandoon ang insekyuridad dahil galing siya sa isang political family.

“Actually, very interesting po ang character,” lahad niya. Sa totoong buhay, hindi niya naranasan ang maging university heartthrob.

"Tahimik lang akong tao. So, I have to work on that. I’m more on small and intimate friends lang din, so, very opposite lang,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FALLING IN LOVE WITH KYLINE

Natawa si Manolo nang diretsahang sabihan ito na baka nai-in love na siya sa ka-loveteam na si Kyline.

Madalas silang magkasama sa taping ng teledramang Inagaw na Bituin, maging sa out-of-town at mall shows.

“Trabaho muna ‘to,” sabi niya. “Well, ako po kasi, ang philosophy ko, sa age ko na 21, para sa akin, perfect age to be single. Yun ang prime ng buhay.

“That’s when you will experience a lot of problems, you’ll experience the most amount of growth. Doon ka magma-mature.

“I wanna focus on me. Magiging selfish muna po ako.”

Mukhang relaxed sila sa isa’t isa ni Kyline. Kaya hindi nakapagtatakang pag-isipan sila na baka nagkaka-develop-an na.

“Yun nga po ang maganda, kasi, we’re both professionals. Alam namin ang trabaho and we’re very aware of that.

“And we both know na the best way is to keep it that way, be professional po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya itinanggi ang posibilidad na ma-develop lalo na’t maraming katangian si Kyline na madaling magustuhan, bukod sa palagi pa silang magkasama.

“Of course, made-develop pong talaga, lalo na yung relationship and I’m happy for that.

"Kasi, importante rin po yung chemistry.”

Kung magkakaroon siya ng girlfriend, nakikita niya ba ang posibilidad na ito kay Kyline?

“Honestly, I would say, yes,” mabilis niyang sagot.

“Kasi, number one for me is someone who’s very passionate in her work, in her craft. And I see Kyline na very passionate.

“Sobrang busy niya, seven days a week, puro trabaho. And I can see it in her eyes.

"For her, it’s a blessing. Even it’s just a four-hour sleep, she enjoys it and I see the passion.

“And when I see someone’s passionate... it’s a turn on for me.”


Stories We Are Tracking

Kyline Alcantara finds it
Kyline Alcantara finds it "difficult" to work with Manolo Pedrosa, Migo Adecer
Manolo Pedrosa reveals depression over career before moving to GMA-7
Manolo Pedrosa reveals depression over career before moving to GMA-7
Kapuso Manolo Pedrosa still in touch with Kapamilya friends
Kapuso Manolo Pedrosa still in touch with Kapamilya friends
Manolo Pedrosa does not regret two-year showbiz hiatus
Manolo Pedrosa does not regret two-year showbiz hiatus


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN