Kier Legaspi thanks Gretchen Barretto for defending him in issue with Dani

IMAGE @kier_legaspi / @juansarte / @danibaretto Instagram

Kier Legaspi appreciates the support he got from Gretchen Barretto, aunt of her daughter Dani.


Nagpasalamat si Kier Legaspi sa pagtatanggol sa kanya ni Gretchen Barretto sa gitna ng kontrobersiyang sangkot si Dani Barretto.

Kaugnay ito ng pag-alma ni Gretchen sa bersiyon ng kuwento ni Dani tungkol sa umano’y solong pagpapalaki rito ni Marjorie Barretto.

Si Dani ay ang 25-year-old daughter ni Kier sa dating girlfriend na si Marjorie, na nakababatang kapatid naman ni Gretchen

Isang matalinhagang quote ng tanyag na English singer-songwriter na si John Lennon ang ibinahagi ni Kier sa kanyang Instagram, noong Huwebes, March 21.

Sabi sa quote card, "Being honest may not get you a lot of friends but it'll always get you the right ones.”

Kalakip nito ang maiksing pasasalamat ni Kier sa pang-unawa at pagdepensa sa kanya ni Gretchen.

Aniya, “Thank you. God bless you and your family. @gretchenbarretto

Sa comments’ section, sumagot si Gretchen ng "I FEEL YOU" kalakip ang isang praying emoji. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANI CLAIMS KIER IS AN ABSENTEE FATHER

Noong March 16, isiniwalat ni Dani na matagal na silang hindi on good terms ng amang si Kier.

Anim na taon na raw ang nakakaraan mula nang huli silang magkita, at buong buhay ni Dani ay wala raw silang “solid relationship” bilang mag-ama.

Aminado raw si Dani na noong kabataan niya ay matagal niyang dinidibdib ang pagiging absentee father ni Kier, gayong kung tutuusin ay abot-kamay lang nila ang isa’t isa dahil pareho lang silang naninirahan sa Pilipinas.

Pero kinalaunan ay natanggap na raw niya na sapat na ang pagmamahal ng kanyang inang si Marjorie, at hindi na niya kailangang hintaying mag-effort pa ang ama na kilalanin siya.

Sabi ni Dani sa isang bahagi ng kanyang YouTube video noong March 16:

“Not that I’m asking for a validation. But I hope he knows I turned out fine.

“Credit goes to my mom, all of it. Shoutout to my mother who raised me well!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I have nothing against my dad.”

KIER’S SIDE OF THE STORY

Nakarating kay Kier ang mga rebelasyon ni Dani tungkol sa kanilang masalimuot na relasyong mag-ama.

Kinabukasan, March 17, inilathala ni Kier ang isang madamdaming open letter kay Dani, sa pamamagitan ng pagbahagi nito sa Instagram.

Ipinakita ni Kier ang mga naitago niyang litrato at memento noong sandaling panahong nakasama niya si Dani noong bata pa ito. 

Depensa ni Kier, hindi raw niyang ginustong tuluyang mawalay kay Dani. 

“Bata ka pa lang lagi na kitang hinahabol, you don't know what I had to do just to see you. Until now, I'm still waiting for our meeting,” dagdag ni Kier.  

GRETCHEN CALLS OUT DANI

Sinegundahan naman ni Gretchen ang pahayag ni Kier tungkol sa efforts nito noon na mapalapit kay Dani.

Sa kanyang Instagram Live streaming noong March 21, sinabi ni Gretchen na saksi siya mula noong ipinagbubuntis pa lang ni Marjorie si Dani hanggang sa kung paano pinalaki ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gretchen, si Marjorie ang may ayaw na maging bahagi pa si Kier sa buhay ng anak nilang si Dani.

"Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani is yung hindi siya mayaman.

“Hindi siya mayor ng Caloocan, ng ganun, di ba, na wala siyang limpak-limpak na pera.

“Yun lang ang kasalanan ni Kier,” patutsada ni Gretchen kay Marjorie.

Tila ang tinutukoy ni Gretchen na "mayor ng Caloocan" ay si dating Caloocan mayor na si Recom Echeverri. 

Mula noong 2007 ay naging tampok ng ispekulasyon kung may ugnayan nga ba ang noo'y alkalde at konsehala namang si Marjorie. 

Pinabulaanan iyon ni Marjorie sa kanyang panayam sa defunct ABS-CBN talk show na The Buzz, noong August 2008. 

HURT AUNT GRETCHEN

Sa huli, sinabi ni Gretchen na bilang tiyahin ay nasaktan din siya na ni hindi nabanggit ni Dani ang pagmamahal at pag-aarugang naiambag niya sa pagpapalaki rito. 

Gayong siya—at pati na rin daw ang bunsong kapatid nila ni Marjorie na si Claudine—ay kasamang nag-alaga kay Dani noong bata pa ito. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahal daw ni Gretchen si Dani, at umaasa raw siyang kahit kaunti ay magpakita ito ng respeto at pasasalamat. 

At press time, hindi pa rin nagbibigay ng anumang komento si Dani sa nabitawanag mga salita nina Gretchen at Kier. 

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


Stories We Are Tracking

Gretchen Barretto defends Kier Legaspi; takes a swipe at sister Marjorie
Gretchen Barretto defends Kier Legaspi; takes a swipe at sister Marjorie
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto
Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi
Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN