Keempee de Leon mulls over hosting in It’s Showtime

IMAGE Noel Orsal

Keempee de Leon says he's open to the possibility of working in It's Showtime, the rival show of his former Kapuso show Eat Bulaga!.


Nang mag-post si Keempee de Leon sa Facebook na nami-miss niya ang acting, inalam ng Dreamscape Entertainment AdProm Head for Print and Social Media na si Eric John Salut ang status ng kanyang career.

One thing led to another, at nakuha siya para sa bagong morning show ng ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit.

“Ito ang first soap ko sa ABS-CBN,” sabi ng 46-year-old actor-singer nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Marso 19, Martes sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

“Hoping naman ako. Ang daming nagsasabing umpisa pa lang yan, marami pang susunod diyan. So, thankful naman ako sa support.

“Ang contract ko, for this show lang.”

Umaasam din si Keempee na bumalik sa singing at mag-record sa Star Music. Ngayong nasa bakuran na siya ng ABS-CBN, nalusaw na ba ang pag-asa niyang maging successor ng daddy niyang si Joey de Leon sa Eat Bulaga!?

“Hindi naman. Siguro… sa totoo naman, magkaiba naman kami. Ibang tao ang daddy ko,” mabilis na sagot ni Keempee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSSIBLE IT'S SHOWTIME REGULAR GIG?

Lumabas na si Keempee sa kalabang show ng Eat Bulaga!, ang It’s Showtime, para i-promote ang kanilang drama show.

Posibleng pabalikin siya ng It’s Showtime para mag-judge sa "Tawag ng Tanghalan" o mag-host.

“I’m not closing my doors,” sabi ni Keempee. “Pero I can say yes... Kasi, iba naman yung career ni Daddy at iba rin yung career ko.

“Sana, maintindihan nila yung part ko," tukoy ni Keempee sa mga dating kasamahan sa Eat Bulaga!.

I’ve been in this business for quite some time. Trabaho lang naman itong ginagawa ko, walang personalan.

“Sinabi ko naman kay Tita Malou na wag namang personalin.”

Ang Tita Malou na tinutukoy niya ay si Malou Choa-Fagar, isa sa top bosses ng TAPE, Inc. na siyang producer Eat Bulaga!. Si Tita Malou rin ang kasalukuyang manager pa rin ni Keempee kahit wala na ang aktor-TV host sa nabanggit na longest running noontime show ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit matagal na nawala sa sirkulasyon ng showbiz, hindi napilay ang finances ni Keempee dahil meron siyang mga negosyo.

“Restaurant sa BGC and Makati, saka sa Poblacion.”

Mayaman na pala siya at hindi na kailangang mag-acting.

Napangiti nga lang si Keempee, “Ay! Grabe ka! Hindi, ah?! Nag-invest lang ako with my friends.”


Stories We Are Tracking

Watch: Keempee de Leon ikinuwento kung paano siya tinanggal sa Eat Bulaga
Watch: Keempee de Leon ikinuwento kung paano siya tinanggal sa Eat Bulaga
Keempee de Leon says he did not inform dad Joey de Leon about his appearance in It’s Showtime
Keempee de Leon says he did not inform dad Joey de Leon about his appearance in It’s Showtime
Keempee de Leon opens up about tampo with Eat Bulaga!
Keempee de Leon opens up about tampo with Eat Bulaga!
Watch: Keempee de Leon, ipinaglaban ang paglabas sa It's Showtime
Watch: Keempee de Leon, ipinaglaban ang paglabas sa It's Showtime


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN