Marjorie Barretto replies to supporters amid rift with Gretchen

IMAGE @marjbarretto / @juansarte Instagram

Marjorie Barretto (left) acknowledges the support of her social media followers, but refuses to talk about sister Gretchen's (right) latest tirades against niece Dani Barretto.


Tila dedma na lang si Marjorie Barretto sa mga alegasyong ipinupukol sa kanya ng estranged elder sister niyang si Gretchen Barretto kahit pa nakarating na sa kanya ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Dani Barretto, panganay na anak ni Marjorie sa ex-boyfriend nitong si Kier Legaspi.

Isa-isang sinagot ni Marjorie ang ilan sa kanyang supporters na nag-iwan ng mensahe sa comments section ng kanyang Instagram kahapon, March 22.

Sabi ng isang netizen (published as is): “I love how you handle the issues thrown at you by your sisters . Stay happy and dedma lang sa kanila , focus na lang sa wedding ni Dani, looking forward sa mga pics.”

Hindi direktang sinabi ni Marjorie kung ano ang posisyon niya sa mga hinaing ni Gretchen tungkol sa kanya at sa anak niyang si Dani.

Pero nag-reply si Marjorie ng tatlong heart emojis sa netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ng isang netizen: “God bless mis @marjbarretto Watever issues na binabato sau at sa mga anak mo be strong… d na ikaw ngdadala nun… U are blessed and makikita talaga that u have a good heart…"

Nagpasalamat naman si Marjorie rito.

Halos ganito rin ang reply ni Marjorie sa iba pang netizens na nagpaabot ng suporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng mga ito, huwag daw mag-alala si Marjorie dahil napalaki niya nang maayos si Dani at iba pang mga anak.

Sinunod naman ni Marjorie ang payo ng mga ito sa kanya na huwag nang sagutin ang mga nabitiwang salita ni Gretchen.

GRETCHEN’S REVELATIONS

Sanga-sangang rebelasyon ang binanggit ni Gretchen nang humarap sila ng nakababatang kapatid niyang si Claudine sa Instagram Live streaming ng una noong March 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una na rito ang alegasyon ni Gretchen na si Marjorie ang humadlang kay Kier na mapalapit ang loob nito kay Dani noong bata pa lang ito.

Ikalawa, naglabas ng sentimiyento si Gretchen na tanging si Marjorie lang ang kinilala ni Dani na nagpalaki nang maayos dito, gayong naging katuwang daw ni Marjorie ang mga kapatid nitong si Gretchen at Claudine sa pag-aaruga noon kay Dani.

Pinaalala niya na sa bahay niya sa Blue Ridge Village sa Quezon City tumira si Marjorie noong ipinagbubuntis nito si Dani.

Si Gretchen din umano ang tumulong sa iba pang pinansiyal na pangangailangan sa pagpapalaki kay Dani noon.  

Ayaw daw ni Gretchen na magbilang ng mga naitulong niya noon kay Marjorie, pero ang punto raw niya ay bigay-todo siya magmahal sa kapatid at pamangkin.

LONG-STANDING FAMILY FEUD

Ikatlo, pahapyaw na inamin ni Gretchen na sa kanilang pitong magkakapatid ay si Claudine lang ang mayroon siyang maayos na relasyon sa ngayon, matapos nilang magkapatawaran kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigit apat na taon nang hindi nag-uusap sina Gretchen at Marjorie. 

Sa kanyang Instagram Live streaming ay hindi na nagdetalye si Gretchen kung ano ang pinagmulan ng alitan nila ni Marjorie. 

Pero sa eksklusibo niyang panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 2015 ay kinumpirma ni Gretchen na mayroong “silent war” sa pagitan nila ni Marjorie.

Kung mayroon mang “malalim” na dahilan ito ay tumanggi nang magsalita pa si Gretchen.


Stories We Are Tracking

Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi
Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi
Dani Barretto laments about bashers intruding into her private life
Dani Barretto laments about bashers intruding into her private life
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN