Janine Tugonon bags modeling gig for tennis pro Venus Williams

IMAGE @tugononjanine on Instagram

Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon (left) was chosen as one of the models for tennis superstar Venus Williams' active wear line, Eleven By Venus.


Maraming netizens ang natuwa sa magandang balita na ipinost ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon sa kanyang Instagram account kamakailan.

Ibinalita ni Janine na isa siya sa mga pinili ng tennis superstar na si Venus Williams para maging modelo ng kanyang active wear line na Eleven By Venus.

Makikita sa post ni Janine noong March 13 ang isang photo shoot niya kasama si Venus at isa pang modelo.

FLOURISHING MODELING CAREER

Pagkatapos na makipag-compete ni Janine sa Miss Universe 2012 sa Las Vegas, nag-decide itong ipagpatuloy ang kanyang modeling career sa US.

Una siyang tumira sa Los Angeles, California, kunsaan sinabay niya sa kanyang pag-aaral ang pag-audition, pag-attend ng acting workshop at ang part-time modeling.

New York-based na ngayon ang former beauty queen at inamin nito sa isang interview with Elle magazine na hindi raw naging madali ang pakikipagsapalaran niya sa U.S. bilang isang model, at narasanan niya ang maraming rejections dahil considered siyang “minority.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil sa tiyaga si Janine ay may narating ang kanyang mga paghihirap.

She is signed under MSA Models at nakapaglakad na siya sa ilang fashion shows tuwing New York Fashion Week at nakasama siya sa isang promotional material for Victoria's Secret Pink.

Nagkaroon din siya ng endorsements for Wells Fargo and Walmart.

Noong 2017 ay na-feature si Janine in the nude sa 2017 NU Muses Calendar ng photographer na si David Bellemere.

PUBLIC SERVICE CAMPAIGN

Gumawa rin ng public service campaign si Janine para sa National Human Trafficking Hotline. Heto ang kanyang pinost sa IG noong nakaraang February 8:


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN