Gretchen Barretto opens up about reconciliation with Claudine

IMAGE @juansarte /@gretchenbarretto / @claubarretto Instagram

Gretchen Barretto on reconciliation with younger sister Claudine after six years of estrangement: "It's something I could not admit to anybody. I couldn't talk about her for the longest time. But that day, I found myself uttering just the utter truth. No pride, no whatsoever. I wasn't thinking of whatever happened in the past—the hurtful things."


Inihayag ni Gretchen Barretto na sapat na sa kanya na si Claudine Barretto lamang ang kapatid niyang naging parte muli ng kanyang buhay.

Ito ay anim na taon mula nang maisapubliko na malalim ang hidwaan sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto.

Noong 2013, naging kontrobersiyal ang pagkawatak-watak ng magkakapatid na Barretto dahil sa sanga-sangang isyu sa kanilang pamilya.

Pero matapos ang matagal na panahong pagtalikod nina Gretchen at Claudine sa isa’t isa, hindi inaasahang tuluyan silang nakaayos at nagkapatawaran.

Base ito sa pagkikita nila sa Solaire Resorts and Casino noong gabi ng February 16, 2019, na sabay pang ipinakita nila Gretchen at Claudine sa kani-kanilang Instagram followers sa pamamagitan ng live streaming.

Sa isa pang Instagram live streaming ni Gretchen nitong March 21, 2019, prangkang sinabi ni Gretchen na walang halong kaplastikan o anumang hidden agenda ang pagkakaayos nilang magkapatid.

Sa video, katabi ni Gretchen si Claudine habang sabay nilang sinasagot ang ilang katanungan ng netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin nila ang ilan pang mga kaibigan ni Gretchen.  

“I feel this sense of freedom that I have only Claudine. Claudine among all.

“I don’t want to name names and then start anything new. Siya lang ang kapatid ko na hindi ako kinailangan, na hindi niya ako ginamit.

“She never asked for money from me. So, even if she goes any side, you know, I don’t question. You know what I mean?”

Hindi raw gusto ni Gretchen ang pakiramdam na aabot siya sa puntong kukuwestiyunin niya ang sinseridad ng isang taong malapit sa puso niya.

Sabi pa niya tungkol sa kanila ni Claudine: “Maybe it’s easier to have only her.

“Because I want to know I am loved because you love me in spite of my flaws, in spite of whoever or whatever you think of my character.

“I don’t want anyone to love me just because they need me or my money or anything like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t want to be living in a world thinking that I have to buy love. I’d rather buy other things.

“But love? No, truly. I want to deserve it because I don’t think I’m that of an awful person na kailangan ko bumili ng tao. Ayoko nun. Ang mahal.”

Pahiwatig ni Gretchen kung bakit lumalayo siya sa mga taong pakiramdam niya ay ginagamit lang siya, “At most of all, ang sakit. Wala na lang ako tears ngayon because naubos.

“But you know, you just keep on trying and trying no matter what you do. No matter what you did, it’s just not enough. Kumbaga, unli rice?!”

WHO REACHED OUT FIRST?

Pero paano nga ba nagkaayos sina Gretchen at Claudine? Sino ang unang nag-reach out? 

Noong 2013, nalaman ng publiko na may lamat ang relasyon ng dalawa, matapos kampihan ni Gretchen ang estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal ding naging laman ng balita noon ang kontrobersiyal na alitan sa pamilya Barretto.  

Sa unang bahagi ng Instagram Live ni Gretchen, nagbiruan ang magkapatid kung sino ba talaga ang may kasalanan sa sigalot nila anim na taon na ang nakakaraan. 

"I always knew na one day mapapatawad ko si Claudine," sabi muna ni Gretchen 

Tumutol naman agad si Claudine, "Wooo! Ako may kasalanan talaga? Grabe! Grabe talaga!" 

Sandaling nagkatawanan muli ang magkapatid. 

Maya-maya pa ay sabi ulit ni Gretchen, "You always knew you're going to forgive me, right?" 

"No," maiksing sagot ni Claudine. Kuwelang humirit naman si Gretchen na baka mag-away ulit sila ni Claudine.

Pero sabi lang ng nakababatang Barretto, "No, it never crossed my mind."  

GRETCHEN, CLAUDINE RECONCILIATION

Noong February 16, 2019, naganap ang reconciliation sa pagitan nina Gretchen at Claudine matapos ang anim na taong hindi pag-uusap dahil sa pagkampi ni Gretchen sa estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa gitna ng tawanan at kulitan ng magkapatid nitong March 21, binalikan ni Gretchen ang sandaling nagkapatawaran sila ni Claudine noong gabing magkita sila sa Solaire. 

Naging kontrobersiyal man daw ang kanilang away noon, ang namumutawi raw sa alaala ni Gretchen ngayon ay ang pagmamahal na nangibabaw noong magkita ulit sila ni Claudine. 

"You know kanina kasi we were kidding around. 'Cause we're always that way when we're together.

"What I failed to tell you earlier, when I saw Claudine, she was the most humble little girl. I saw the Claudine that I wished to see.

"There was a time I always said, 'Parang si Clau, pakiramdam ko parang patay na. Kasi andiyan siya, pero hindi siya yun. Parang iba yung ugali.'" 

Tahimik lang si Claudine, pero madalas na makikita sa video na masuyo itong sumasandal sa balikat ni Gretchen at panay din ang holding hands nilang dalawa.

Patuloy ni Gretchen, "But that day when I saw her, when she walked in, that little girl who walked in was a very humble, very sweet girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And all she said was, 'I love you. Forgive me. I miss you.' And I found myself uttering the same things."

Sobrang gaan daw sa pakiramdam na magkaayos na sila muling magkapatid. 

ON ASKING EACH OTHER FOR FORGIVENESS

Wala raw halong pride sa kanilang pag-uusap dahil pareho silang humingi ng tawad sa isa't isa. 

Pagpapatuloy ni Gretchen, "It's something I could not admit to anybody. I couldn't talk about her for the longest time.

"But that day, I found myself uttering just the truth. No pride, no whatsoever.

"I wasn't thinking of whatever happened in the past—the hurtful things." 

Sandaling nagbiro si Gretchen na nang yakapin niya si Claudine ay na-realize niya na hindi pa rin daw pala tumatangkad ang nakababatang kapatid. 

Sumeryeso ulit si Gretchen saka nagpatuloy, "You know, I just embraced her and I said, 'I'm sorry.'

"I said I'm also sorry because pag masama ang loob mo, we tend to say hurtful things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You can never erase that. You cannot take that back.

"Good thing she forgave me and I forgave her, and that's whats important." 

RENEWED SISTERHOOD

Sa ngayon, sobrang pinapahalagan daw nina Gretchen at Claudine ang mga oras na sila ay nagkaka-bonding na magkapatid. 

Ngayon lang daw ulit nila nadidiskubre ang ilang pag-uugaling sila ay pareho, mula sa pagiging makulit, malambing, at madaldal hanggang sa choices nila sa pagkain ay magkasundo rin daw sila.

Huling hirit ni Gretchen, "Kaya sa lahat ng kung anu-ano ang sinasabi na plastic, honestly..." 

"Makulit lang kami together," dugtong ni Claudine. 

"You really forgive me?" tanong ulit ni Gretchen. Simple pero mariing sagot ni Claudine, "So much!"

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


Stories We Are Tracking

Gretchen and Claudine Barretto spotted dining together
Gretchen and Claudine Barretto spotted dining together
Claudine visits sister Gretchen at her Forbes Park mansion
Claudine visits sister Gretchen at her Forbes Park mansion
Claudine Barretto still friends with Kris Aquino; Gretchen reacts
Claudine Barretto still friends with Kris Aquino; Gretchen reacts
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised
Gretchen Barretto reminds niece Dani Barretto how she was raised


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN