Matet de Leon slams fake Noranian bashers

IMAGE Noel Orsal

Matet de Leon on fake Noranian bashers: “Di namin kailangan ng approval of anyone else, especially mga 'Noranians,' kasi yung Noranians talaga na totoo, kilala kami."


Hindi na napigilang sagutin ni Matet de Leon ang mga bashers nila ng kapatid niyang si Lotlot de Leon dahil pinaparatangan silang walang utang na loob at ingrata sa ina-inahang si Nora Aunor.

Tumindi ang pamba-bash sa magkapatid nang hindi dumalo ang Superstar sa kasal ni Lotlot at ng asawa nitong si Fadi El Soury nung nakaraang Disyembre.

Marami kasi ang nag-aabang sa pagdalo ni Ate Guy sa kasal ni Lotlot.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matet sa nakaraang presscon ng seryeng Nang Ngumiti Ang Langit nung nakaraang March 19 sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN, inamin ng aktres na masakit para sa kanila ang mapagsabihang walang utang na loob at ingrata, lalo na't hindi nila kinakalimutan ang malasakit at pagmamahal sa kanila ng kinagisnang ina.

Paglinaw ni Matet, “Yung sinasabi na walang utang na loob kasi, di ako walang utang na loob.

“Alam ko na ampon kami, kungdi dahil kay Mommy wala kami rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam na alam namin yun.

“Very grateful kami kay Mommy kasi kung di dahil sa kanya di kami lalaki nang maayos, di kami magkakapatid.

“Di kami ingarata, di kami walang utang na loob.

“Di lang kami talaga pamilya na showy, lalo na sa Instagram kasi wala namang Instagram yung Mommy ko.”

DEALING WITH BASHERS

Pagkukuwento nga ni Matet, halos araw-araw niya sinasagot ang mga bashers nila.

Nang tanungin namin kung may ideya ba sila kung sinu-sino ang mga ito, mga tinaguriang nagpapanggap na mga Noranians daw ang mga bashers nila.

Aniya, “Lagi, araw-araw.

“Kasi bored ako, wala akong madalas na ginagawa, so patulan ko siya.

“Tahimik siya. Sabi niya, 'Pangit ninyo.'

“E, shucks, wala nang kuwenta yung sinasabi niya.

“Sila din yung mga 'Noranians' nga, pero yung totoo na Noranians, kaibigan namin sila.

“Nakakausap namin sila.”

Nagbigay din ng mensahe si Matet para sa mga bashers nila.

Buwelta niya, “Wag nang mangingialam masyado kung wala namang alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL'S WELL WITH MOM

Siniguro din sa amin ng aktres na maayos ang relasyon nila sa ina-inahan.

Paliwanag din sa amin ni Matet, hindi lang kasi sila gaya ng tipikal na pamilya.

Pahayag niya, “Hindi pa kami nagkikita, busy yata siya.

“Parang October last year, October last, last year.

“Di kasi kami ganun eh, di kami yung updatan ng updatan pero pag nakita ko si Mommy diyan, parehas lang.

“Hindi lang kami yung pamilya kagaya ng iba na piktyuran nang piktyuran dahil ayaw ng nanay ko na nagpapa-picture sa amin.

“Di niya type, baka magalit pa yun.

“She's easy to reach, I can reach her anytime.

“We're just not the typical type of family lang.

“Basta, taliwas sa sinasabi ng iba, maayos kami.”

Kampante din si Matet na walang sama ng loob sa kanya ang ina-inahan.

Pero nang tanungin namin kung bakit wala sa kasal ng kanyang Ate Balot ang Superstar,.umiwas na sagutin ito ni Matet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin niya, “Ay, sa akin wala, sigurado ako.

“Alam ninyo kasi ang pagmamahal ni Mommy, para yang hangin.

“Di mo nakikita pero nandiyan lang.

“Mahal na mahal niya kami, mahal na mahal din namin siya.

“Di namin kailangan ng approval of anyone else, especially mga 'Noranians,' kasi yung Noranians talaga na totoo, kilala kami.

“Ate Lot? Ay, yan po di ko masasagot.”

HAPPY WITH DOMESTIC LIFE

Sa kabilang banda ay masaya at kuntento naman ang Nang Ngumiti Ang Langit actress sa buhay may-asawa kung saan 15 years na pala ang pagsasama nila ng asawang si Mickey Estrada.

Pagpapasalamat niya, “I'm very happy, actually anniversary namin tomorrow, 15 years na kami.

“Masayang-masaya, sabay kaming tumataba ng asawa ko. I'm so happy.

“Siguro guidance ni Lord, nandiyan si Lord kasama namin ng asawa ko.

“Ginagabayan kami through the years. I think yun yun.”

NEW TELESERYE

Balik-serye si Matet sa Nang Ngumiti Ang Langit ng Kapamilya network, at nagpapasalamat siya na nakuha siya sa serye at maganda ang role na pinagkatiwala sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Masaya, masaya ako to be part of thr show kasi napakaganda nung role na naibigay sa akin, kami ni Kuya Keempee [de Leon].

“Ako yung best friend ni Kaye [Abad] na nag-aruga sa bata nung pagkawala niya nung nawala siya.

“Pressured, yes, but I'm very confident naman that the show will rate.

“Magre-rate siya, maganda, parang may MMK ka everyday.

“Saka siyempre may mga bata tayo saka pampamilya kasi yung show.

“Halu-halo siya, mayroon siyang comedy.

“Siyempre light yung show, 'tapos yung plot ng istorya medyo mabigat.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN