Comedian Roderick Paulate explains why he is still single


"Si Mamang [Roderick's mother], 83 years old na. Siya ang buhay ko... Sa panahong ito, na she needs me more—dahil labas-masok na nga siya sa hospital—imposible for me na mabigyan ko ng time ang magiging karelasyon ko," says Roderick Paulate.


Sa pag-upo ni Roderick Paulate sa mesa para makausap ang entertainment press na dumalo sa presscon ng ABS-CBN sitcom na That's My Doc!, iisa ang inihahaing tanong sa kanya—ang tungkol sa kanyang pag-aasawa at kung bakit nananatili pa rin siyang bachelor hanggang ngayon.



"Mahirap sagutin ‘yan in the sense na ano ba, mag-aasawa lang ba ako for the sake of? Nagkaroon naman ako ng mga relationships before. Matatagal. Pero siguro, hindi pa meant to be o hindi pa talaga time," sabi niya.

Nasolo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Dick sa Cigar Room ng 9501 restaurant. Dito na niya nasabi ang saloobin niya tungkol sa nabinbin niyang pag-aasawa. Diretsahan na rin naming sinabi sa kanya na hindi nawawala ang gender issue sa katanungang ‘yon.



"Si Mamang [Roderick's mother], eighty-three years old na," panimula niya. "Siya ang buhay ko. And ‘yung mga past girlfriends ko naman, naintindihan naman nila ang closeness namin ni Mamang. Sa panahong ito, na she needs me more—dahil labas-masok na nga siya sa hospital—imposible for me na mabigyan ko ng time ang magiging karelasyon ko.



"Kaya nga sabi ko, mahirap ipaliwanag, e. Kasi kung makakarinig lang ako ng mga panunumbat o hihingan ako ng choice, dun pa lang, turn-off na ako kaya mas magandang wala na lang, di ba? Sabi ko nga sa ‘yo, Mamang is eighty-three na. Huwag naman sana...pero alam mo ‘yon? Gusto ko ‘yung...ayokong sabihing last days...maiiyak na naman ako niyan, e...pero alam mo ‘yon...kaya hangga't maaari, gusto ko nasa tabi niya ako lagi."



Wala pa bang babaeng nakaintindi sa kanya sa closeness nila ng kanyang Mamang?



"Sa naging past girlfriends ko [Jackie Aquino and Atty. Olma Inocentes], hindi naging issue ‘yon. Pero siyempre, alam mo na puwedeng nasa stage na gusto na nilang mag-settle down and ako ang hindi pa puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, sa akin, kahit na mag-asawa na ako, magiging bahagi pa rin ng buhay ko si Mamang, ang pamilya ko. Na hindi naman kailangang mag-interfere sa relasyon naming mag-asawa kung sakali.

"Alam ko, e. Alam ko how I can do it. Pero ang tanong nga, e, kung may babae bang mamahalin ako to that extent? Wala pa. So, ganun ‘yon.



"Ang gender issues na ‘yan sa akin, estudyante ka pa lang ‘ata nung magkakilala tayo sa Anna Liza, isyu na ‘yan na hindi mamatay-matay," pahabol niya.

Bago ang sitcom na ito ng ABS-CBN ay huling napanood si Roderick sa soap opera ng GMA-7 na Makita Ka Lang Muli. Ito ba ang comeback vehicle niya sa Kapamilya Network?



"Hindi ako umalis," paglilinaw niya. "Wala pa akong gagawin that time and an offer came. Drama naman ang ginawa ko doon. So, walang naapektuhan. Ngayon, I'm enjoying again dahil balik ako sa comedy.



"Kilala mo rin ako with the projects I accept. Nung ginawa ko ‘yung drama soap na ‘yon sa kabila, I was inspired with the role that was given to me. Mabigat, e. Now, inspired uli ako because I am doing the one thing na gustong-gusto ko rin, ang magpatawa at muling kilitiin ang audience namin," pahayag ni Roderick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN