Tom Rodriguez owes Tagalog fluency to late director Wenn Deramas

IMAGE Noel Orsal

Tom Rodriguez on late director Wenn Deramas: “Sinabi niya sa akin, kung hindi ako mag-aaral ng Tagalog, puro balikbayan roles ang ibibigay sa akin."


Ang yumaong direktor na si Wenn Deramas pala ang isa sa mga rason kaya nagsikap si Tom Rodriguez na mag-aral ng Tagalog.

Napag-usapan kasi ang inaral na Mandarin language ni Tom para sa papel niya bilang isang legit Chinese character na si Michael Chan sa bagong Kapuso serye niyang Dragon Lady.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa mediacon ng Dragon Lady noong February 28 sa Shangrila Finest Chinese Cuisine Restaurant sa Quezon Avenue.

Dito niya nabanggit si Direk Wenn.

Lahad niya, “Para sa akin naman, sa lahat ng language, ganun din yung naging challenge ko nung nag-aral ako ng Tagalog, nung dumating ako dito.”

Noong 2009, mula sa Amerika ay umuwi sa Pilipinas si Tom para maging housemate sa Pinoy Big Brother: Double Up.

Balik-tanaw ni Tom, “After ng PBB nun, si Direk Wenn, may ano sila, may office ng PDA [Pinoy Dream Academy] kung saan ako nag-stay after ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpu-prod sila ng isang project nila dun for a teleserye din.

“Pina-meet ako sa kanya.

“Sinabi niya sa akin, kung hindi ako mag-aaral ng Tagalog, puro balikbayan roles ang ibibigay sa akin.

“Kaya dun, yun yung naging challenge.

"Nalaman ko na minsan, pag ginagaya mo yung tunog puwedeng sumunod na lang later kung ano yung sasabihin mo dapat.

“Kasi puwede mo namang itanong, ‘Paano ba sabihin ‘to, paano ba sabihin yan?’

“Pero kung fluent ka, let’s say kailangan fluent sa Tagalog, pero kung may accent pa rin, nagkakaroon pa rin ng parang disconnect.

“So feeling ko, one of the biggest challenges for me was to really get the sound right para yung syntax madali na lang aralin, kung paano i-construct yung sentence.

“For me it was a challenge I found to be fun!”

Taong 2013 ay lumipat si Tom sa GMA-7 para magbida sa drama series na My Husband’s Lover na naging phenomenal ang tagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FACING NEW CHALLENGE

Challenge rin ba kay Tom na mataas ang ratings ng pinalitan nilang show, ang Asawa Ko, Karibal Ko?

Pag-amin niya, “Oh yeah, yeah!

“Actually, for me I don’t… hindi ko inisip na challenge na replacing...

“I enjoyed that show din. I always watch it in the afternoon.

“Mas parang excited ako na if that’s what we have to follow and that’s the standard that we have to keep, then I know we’re in good hands.

“At hanggang Sabado kami, dun ako kinakabahan.

“Hindi ko pa nagagawa before kaya alam ko since nagawa nila, and they did it beautifully, they did it with flying colors, we want to emulate them.

“Sana we won’t let them down, na kami yung sumunod sa kanila.

“Hopefully, we’ll keep the spirit of how successful they were.”

Mula Lunes hanggang Sabado umeere ang Dragon Lady, na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez kung saan si Tom ang leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN