Iwa Moto plays her most daring role yet in "Kung Mahawi Man ang Ulap"


The leading cast of GMA-7's Sine Novela Kung Mahawi man ang Ulap: Dennis Trillo (right), leading lady Nadine Samonte (center), with Iwa Moto (left), who reprises the kontrabida role of Amy Austria in the original movie. The Sine Novela is directed by Mac Alejandre.


Kung kinabahan nang husto si Nadine Samonte sa naging love scene nila ni Dennis Trillo sa Sine Novela ng GMA-7 na Kung Mahawi Man ang Ulap, kinakabahan din ang co-star nilang si Iwa Moto dahil hindi lang love scene ang gagawin nila ni Dennis kundi may eksenang ise-seduce pa niya ang matinee idol.



Hindi pa raw nakukunan ang naturang eksena at ang napapanood daw sa trailer ng naturang Sine Novela ay teaser shot lang. Tulad ni Nadine ay pinaghandaan nang husto ni Iwa ang magiging eksena nila ni Dennis.



"Naku, kinakabahan ako kasi first time kong gagawa ng ganun!" nakangiting pahayag ni Iwa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "As in, aakitin ko si Dennis hanggang sa pumayag siyang magpadala sa alindog ko! Nakakaloka, ‘di ba?

"Pero sa totoo lang, ang lakas ng kabog ng dibdib ko," patuloy niya. "Nagtanong nga ako kay Nadine kung ano ang pakiramdam at sinabi niya na nakakanerbiyos talaga. Pero dahil magaling sumuporta si Dennis, mawawala ang kaba mo. Okay naman daw pagkatapos."



Si Iwa ang gaganap na primerang kontrabida ni Nadine sa Kung Mahawi Man ang Ulap. Si Amy Austria ang original na gumanap sa role ni Iwa sa pelikula. Noong mapanood nga ni Iwa ang original na movie, galing na galing siya kay Amy dahil sa husay nitong gumanap bilang kontrabida kay Hilda Koronel.



"Ito na yata ang pinakasalbaheng role na gagampanan ko sa TV," sabi ni Iwa. "As in, kawawa si Nadine sa akin dito. May sampalan, sabunutan, bugbugan, at kakaladkarin ko pa siya rito. Ang worry ko, baka magalit sa akin ang mga fans ni Nadine. Ngayon pa lang sinasabi ko na magkaibigan po kami ni Nadine. Trabaho lang namin ito."



Alam ni Iwa na hindi niya mapapantayan ang husay ni Amy sa pelikula. Bibigyan na lang daw niya ng sarili niyang interpretasyon ang papel niya as Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I will never be as good as Ms. Amy, pero I can give a good performance dahil na rin sa mga taong nagsasabing kaya ko tulad ni Direk Mac Alejandre. Sabi nga ni Direk Mac, kaya ko raw maging sexy villainess kung gugustuhin ko at pagtitiyagaan ko. Iyon na nga ang ginagawa ko ngayon. Malaki ang pasalamat ko sa GMA-7 for giving me this role na pagbubutihan ko talaga," pangako pa ng StarStruck 3 First Princess.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN