Angelica Panganiban defends boyfriend Derek Ramsey


Angelica Panganiban explains why her boyfriend Derek Ramsey was once late at a taping of Ysabella but says the problem has been blown out of proportion.



In love talaga ang young actress na si Angelica Panganiban at maski sa mga intrigang kinakaharap ng boyfriend niyang si Derek Ramsey, hindi niya maiwasang makisangkot.

Gaya na lang nang naintriga nang husto si Derek dahil sa isyung pinaghintay niya ng halos limang oras sa taping ng ABS-CBN soap opera na Ysabella ang leading lady ritong si Judy Ann Santos.



"Sa pagkakaalam ko, minsan lang talaga nangyari 'yon, " sabi ni Angelica. "Nasasabi naman kasi ni Derek sa akin 'yung lahat, pati 'yung mga problemang ganyan. Nagtataka nga siya kung bakit napapalaki.



"Nakausap na raw niya si Tito Alfie [Lorenzo, Juday's talent manager], and even Juday mismo, wala nang problema kung tutuusin. Ang nangyari kasi doon, sumama lang ang pakiramdam ni Derek kaya na-delay.



"Nagka-LBM [loose bowel movement] na siya, and he was willing to work pa. Kaso, affected 'yung system niya at 'yung director na ang nag-decide na i-pack up si Derek," paliwanag ni Angelica, in behalf of her boyfriend.



Nadadamay na rin siya sa mga intriga ni Derek. Lumabas na nagbabantay raw siya kay Derek sa set ng Ysabella.



"Nagpupunta ako sa taping, pero itinataon kong break time nila," sabi niya. "Ayokong makaistorbo at hindi totoong nagbabantay ako. Hindi namin kailangang gawin ni Derek 'yon dahil pareho kaming busy. May kanya-kanya rin kaming trabaho.



"Kung may time, dinadalaw niya rin ako sa trabaho ko. Ipinagpapaalam namin 'yon sa ibang kasama namin, para naman hindi sila naiilang, o baka nga nakakaistorbo. Never kong gagawin na babantayan ko si Derek. Hindi nga ako nagtatagal sa taping," lahad ni Angelica.



Hindi ba niya nararamdamang hindi naman siya welcome sa set ng Ysabella?



"Wala akong nararamdamang ganoon, because they're all nice to me. Marami akong mga kaibigan sa staff, including Juday and Ryan [Agoncillo]. Nakikipagkuwentuhan pa ako sa kanila.



"Paano naman sila maiinis sa akin? Nagdadala pa nga ako ng pagkain sa set. Hindi ko nga lang niluluto dahil busy ako, kaya nagpapabili na lang ako. It's the thought that counts. At hindi lang naman si Derek ang dinadalhan ko, pati 'yung iba ko pang friends doon," pahayag pa ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LIVE-IN. Nilinaw rin ni Angelica ang pahayag niya na puwede niyang i-consider ang live-in arrangement with Derek.



"Hindi ko rin masasabing gagawin ko, o magde-decide kami ng ganoon," sabi ni Angelica. "Marami na kasing gumagawa rin ng ganyan. I mean, wala naman akong problema talaga sa ganyan, but ayoko kasing magsalita ng patapos, na kesyo ayoko o hindi ko gagawin. Hindi ko rin alam na baka sa live-in din kami mauwi ni Derek.



"But, as of now, mas gusto ko pa ring umuuwi sa sarili kong bahay. Kahit nag-iisa ako or independently living, masaya na akong dumadalaw sa akin si Derek. Ganoon na lang muna.



"Wala akong nakikitang masama sa live-in kung two consenting adults naman ang involved, at kung pareho silang naniniwala roon. Why not?



"Kung isa lang ang okay doon, hindi balanse at hindi ‘yon magwo-work. Nagbabago kasi ang panahon, pati ang paniniwala ng mga tao sa relasyon, kaya kanya-kanyang paniniwala 'yan at matuto tayong rumespeto," opinyon ni Angelica.



GOOD KISSER. Napakahusay na raw humalik ni Angelica kung pagbabasehan ang kissing scenes nila ni Aga Muhlach sa A Love Story ng Star Cinema Productions.



"I think I am good at kissing!" natatawang sabi ni Angelica.



Hindi naman daw siya ganoon ka-game nang unang sabihin sa kanya ni Direk Maryo J. delos Reyes ang mga gagawin niya sa pelikula nila nina Aga Muhlach at Maricel Soriano. May mga eksena raw siya na parang sa Hollywood film na Little Children. Tinanong si Angelica ni Direk Maryo kung kakayanin niya ang pinaggagawang daring scenes doon ni Kate Winslet.



"Talagang napag-isip ako nang matagal, aniya. "Nagkulong muna ako sa isang kuwarto at hindi ko nga alam kung sasabihin ko kay Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head] na ganoon ang ipagagawa sa akin.



"E, ang feeling ko nga, pinagtitripan lang ako nina Direk at Aga. Hindi ko na rin itinuloy na sabihin pa kay Mr. M dahil ayoko ring ma-offend si Direk Maryo, dahil nang tanggapin ko ang pelikula, buong-buo ang tiwala ko sa kanya. He's really a good director, and I think, nagawa ko naman kung ano 'yung inaasahan niya para sa ikagaganda ng pelikula," sabi ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN