Joross Gamboa not ready for extreme gay roles


Joross Gamboa played a gay role in the TV series Maalaala Mo Kaya but he can't imagine himself kissing another man, as in the love scenes between two cowboys in the award-winning Hollywood film Brokeback Mountain.



Wala pa halos tulog ang young actor na si Joross Gamboa nang dumating sa presscon ng paglilipat sa primetime ng ABS-CBN Sine Serye nila nina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca, ang Natutulog Ba Ang Diyos?. Galing pa raw kasi siya sa eskuwelahan at katatapos lang niyang mag-exam.



Sa paglipat ng Natutulog Ba Ang Diyos? sa primetime, inamin ni Joross na katulad ng iba niyang kasamahan sa show, kinakabahan din siya. Pero kapag naiisip naman daw niya ang mga kasamang artista sa trabaho ay nasasapawan ng confidence ang kabang nararamdaman niya.



Sa presscon din ibinuking ni Roxanne ang sobrang closeness ng ex-boyfriend niyang si Joross at current boyfriend nito na si Jake Cuenca.



"Naging close siguro kami dahil sa laptop," umpisa ni Joross.



Hindi ba siya naiinggit kay Jake na may limang shows sa ABS-CBN?

"Hindi po," sagot ni Joross. "Dahil kumbaga, kung ano lang ang ibigay sa akin ng ABS-CBN... Kung para sa akin, para sa akin."



Kung halimbawang alukin siya ng movie, kasama si Jake na mala-Brokeback Mountain, papayag kaya si Joross lalo na sa mga delikadong eksena gaya ng kissing scene o love scene sa kapartner na lalaki?



"Siguro hindi muna 'pag ganun," sabi niya. "Hindi pa ako open sa ganun. Pero 'yung gay role, nagawa ko na rin naman 'yun sa Maalaala Mo Kaya. Pero 'yung tipong ganun [gay love scene], hindi pa siguro. Hindi pa ako handa na makipaghalikan sa kapwa ko lalaki."



Naiintriga naman si Joross recently for having an unwanted child.



"Wala." medyo nagulat na sabi ni Joross. "Mahilig lang po ako sa bata. Sabi nila kapag mahilig ka sa bata, hindi ka pa raw agad magkakaanak. So, dapat maging mahilig muna ako sa bata."



Hindi pa ba siya handa maging ama?



"Opo, hindi pa ako stable. Plano ko pa na maka-graduate. At the same time, magkaroon ng nego-negosyo," sagot ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasalukuyang nasa Malaysia ang girlfriend ni Joross na si Cay. Hindi pa raw nagkakaroon ng chance na ipakilala niya si Cay kay Roxanne.



"Hindi ko naman siya madala sa taping ng Natutulog kasi masyadong mahaba ang paghihintay na gagawin niya sa akin sa taping. Morning to morning kami doon. Mahal ko siya kaya ayaw ko siyang paghintayin. Pero kung may chance, why not?" sabi ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN