GMA-7 denies courting ABS-CBN talent Shaina Magdayao


"Hindi namin ugali ang kumuha ng Channel Two talents, lalo na kung may kontrata," says GMA Films President Annette Gozon-Abrogar about the rumor that GMA-7 is pirating Shaina Magdayao from ABS-CBN.



Nasa story conference ng Bahay Kubo ng Regal Entertainment ang PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Friday, July 27, sa Tycoon Bldg. office ng Regal nang may magbulong sa amin na kinukuha diumano ng GMA-7 si Shaina Magdayao. Ipapalit daw ang young actress kay Angel Locsin na lilipat na sa ABS-CBN.



Dagdag na impormasyon pang nakuha ng PEP, isang pang-primetime soap opera daw ang ibibigay kay Shaina at makakapareha niya si Richard Gutierrez. May negotiation na raw sa pagitan ng GMA-7 at sa talent arm ng Dos na Star Magic. Kung magustuhan daw ang offer, baka ipahiram ang young actress sa Kapuso Network.



Binanggit ang pangalan ni Annette Gozon-Abrogar, president ng GMA Films, sa nanliligaw para lumipat sa GMA-7 si Shaina. Naghanap ang PEP ng puwedeng mag-react sa kampo ng GMA-7 and through a friend, sinagot ni Annette ang kumakalat na isyu.

Sabi nito, "Hindi namin ugali ang kumuha ng Channel Two talents lalo na kung may kontrata."



Posible kayang ibang excecutive ng Kapuso Network ang nakikipag-negosasyon sa Star Magic at ABS-CBN at hindi si Annette? Bakit may lumabas na detalye gaya ng primetime soap ang offer kay Shaina at si Richard pa ang magiging leading man?

Sagot uli sa PEP, malabong hindi alam ni Annette ang tungkol diyan dahil siya ang in-charge sa primetime programming at sa mga artistang naka-cast sa mga show.



Tamang-tama at nasa story conference ng Regal movie si Shaina, kaya natanong siya ng PEP tungkol sa isyu. Kaya lang, puro "hindi po" at "wala po akong alam diyan" ang sagot nito, plus ang napakaganda niyang ngiti. First time daw niyang narinig ang lipatan isyu at clueless siya.



Sa pagkakaalam ng PEP, sa GMA-7 nagsimula bilang child star si Shaina, pero sumunod siya sa Ate Vina Morales niya nang lumipat ito sa ABS-CBN. Sa Kapamilya Network na lumaki at nagdalaga si Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN