Zoren Legaspi reveals why he shunned love scenes during his action star heyday

IMAGE @niceprintphoto Instagram

Zoren Legaspi (with with Carmina Villarroel and twins Mavy and Cassy) explains why he didn't like doing love scenes during his action-star prime: “Dahil nga faithful ako, ayoko. E, sa action movie kailangan merong love scene."


Bilang ama ng eighteen year-old twins na sina Maverick (Mavy) at Cassandra ( Cassy), tinanong namin si Zoren Legaspi tungkol sa love life ng kanyang mga bagets.

Marami na bang manliligaw si Cassy?

Kuwento ni Zoren, “May mga nagbibigay ng bulaklak.

“Pero kasi, hindi naman sila magimik na labas ng labas.

“So yung kaibigan nila sa school, parang small group lang, ganun.

“Hindi naman sila lakwatsero na kung saan-saan napapadpad,e

“Kung lumalabas sila, iisang group lang din sila.”

Ang nagbigay ng bulaklak kay Cassy ay nasa circle of friends ng twins?

Paglinaw niya, “Hindi, hindi rin niya kilala.

“'Tapos, minsan pag lumalabas, kunyari… yung Wanderland, di ba, yung Wanderland, may lalapit na lalaki, ibibigay yung phone number or ganyan.

“Minsan nagugulat siya kasi hindi siya sanay.

“Ang sabi ko bigay mo yung phone number ko, at isusumbong natin kay Tulfo yan,” natatawa niyang kuwento.

May nililigawan na ba si Mavy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Si Maverick meron nang mga niligawan pero hinihinto ko.

“Sabi ko kasi sa kanya, hindi mo kailangan ang ganyang problema.

“Unang-una kasi ganito yan...

“Si Maverick mabait na tao, 'tapos magalang, 'tapos may itsura naman, okay?

“Sigurado ako, mai-in love, mai-involve talaga yung babae.

“Papaano na yan? E, di seryoso na at an early stage?

“Kaya sinasabi ko, ‘Ayusin mo muna buhay mo.'

“Iyon ang sabi ko kasi, 'Alamin mo muna kung ano gusto mong gawin sa buhay mo. Huwag yan!’”

Ano ang reaksyon ni Mavy?

“Tumatakas, tumatakas,” at tumawa si Zoren.

“Naiintindihan ko naman pagtakas niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren sa grand mediacon ng Sahaya sa Matrix Creation Events Venue noong March 12.

May nagbiro na noong araw, noong sila pa ni Ruffa Gutierrez ang magkarelasyon ay panay rin ang takas nila sa ina nitong si Annabelle Rama.

“Kaya nga naiintindihan ko yung mga takas-takas niya,” at muling tumawa si Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati si Carmina hindi yata niya tanggap na magka-girlfriend. Hindi niya tanggap.”

PARENTING THROUGH EXPERIENCE

Nineteen o twenty years old na raw si Zoren nang magka-girlfriend.

So isang taon na lang puwede ng magka-GF si Maverick.

Diin niya, “Hindi pa rin siya puwede!

“Sa akin okay lang kung alam mo na kung ano ag gagawin  mo kasi, alamin mo muna.

“Kung kunyari confident ka, 'Tay, alam ko na kung ano ang gusto kong gawin. Mag-aartista ako, magka-college ako, ganito kukunin ko sa college habang nag-aartista, 'tapos ganito-ganyan, ganyan-ganito!’

“O, at least alam ko na.

“Puwede ka nang mag-girlfriend dahil alam mo na ang gagawin mo.

“Hangga’t hindi mo alam, hindi, dahil ang malalaman mo lang ay paanong umibig.

“At pagkatapos nun, paanong masaktan.

“At pagkatapos nun, paanong umibig muli, at agkatapos nun, paanong masaktan muli!

“E, di iikot lang! Hanggang malilimutan mo na yung priority mo. ‘Dapat pala nag-college ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Ahh, eto pala. Kaya ako ganyan, kasi meron akong ginawa sa career ko na hindi dapat.'

“Kumbaga, na-prioritize ko yung relationship kaysa career kaya yung action movies ko nun, hindi masyadong nag-ano dahil ang action movies before, kailangan meron ka laging love scene.”

Pero si Zoren mismo ang may ayaw ng lovescenes.

“For the sake of my relationship,” rason niya.

Sino ba ang GF niya that time?

“Kung sinu-sino sila,” at tumawa si Zoren.

“Dahil nga faithful ako, ayoko.

“E, sa action movie kailangan merong love scene.

“Tatlu-tatlo pa nga dapat ang leading lady sa action movies, e.

“Ayoko. So I’m talking thru experience.

“Dahil nga masyado akong into relationships, nalimutan ko yung career dapat muna.

“Kasi bata ka pa, e. Wala namang pupuntahan yan, e.

“And true enough lahat yung mga I was serious with, hindi naman sila ang nakatuluyan ko, di ba?

“Pero ano yung nawala sa akin?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hahayaan na lang muna niya si Maverick na huwag magseryoso, na mag-play around?

Saad niya, “Ah, ayoko!

“Hindi puwede, bawal siyang mag-play around.

“Binabawalan ko nga yun e, na yung mga pictures niya, na may kaakbay na mga babae, binabawalan ko.

“Dahil hindi mo masasabi, kung yung inakbayan niya na babae, ay merong lalaking patay na patay doon, na mag-cause ng away in the future.

“Di ba nga meron kayong nababalitaan na bigla na lang hinampas ng bote sa bar?”

Sabi namin kay Zoren, ang layo naman niyang mag-isip.

Pag-amin niya, “Oo, malayo talaga.

“Hindi, kasi may akbay na kaibigan, may akbay na pagtingin mo parang… iba yung yakap, e.

“Huwag mong lamutakin kasi hindi manika yan!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN