Ciara Sotto attends first showbiz event with non-showbiz boyfriend

IMAGE Noel Orsal / @pinaypole on Instagram

Ciara Sotto attends first public showbiz event with boyfriend, Ian Austin.


Sa unang pagkakataon ay nakitang kasama ni Ciara Sotto ang bagong non-showbiz boyfriend niyang si Ian Austin sa isang showbiz event.

Magkasamang dumalo ang dalawa sa premiere night ng Mystified kagabi, March 23, sa EDSA Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Nakuhanan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng litrato sina Ciara at Ian na magkasama kagabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-post rin si Ciara ng picture nila ni Ian kasama ang mga bida ng Mystified na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Karylle, na nag-imbita sa kanya sa premiere night.

Wala sa litrato ang isa pang bida ng pelikula na si Diana Zubiri, na may pinuntahan sandali habang papasok sa sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging malapit na kaibigan ni Karylle, nakatrabaho rin ng matagal ni Ciara ang director ng Mystified na si Mark Reyes sa first batch ng youth-oriented series na TGIS.

Nagkasama rin si Ciara at Sunshine sa second batch ng TGIS.

CIARA'S NEW LOVE LIFE

Noong September 23, 2018 unang naisapubliko ang masayang estado ng love life ni Ciara Sotto, dalawang taon at kalahati mula nang maghiwalay sila ng mister niyang si Jojo "Joe" Oconer.

Kasama ni Ciara sa litrato si Ian sa wedding anniversary dinner ng mga magulang niyang sina Helen Gamboa at Senator Tito Sotto.

Noong November 18, 2018 naman unang pinangalanan ni Ciara sa Ian, sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Noong Valentine's Day, February 14, 2019, nag-post si Ciara sa Instagram ng before-and-after photo nila ni Ian, kung saan magkasama rin sila noong Valentine's Day 2008.

Saad ni Ciara sa caption, "11 years after... Happy Valentine’s Day!!! #whowouldvethought"


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto teased about new man in her life
Ciara Sotto teased about new man in her life
Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend
Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend
Ciara Sotto, non-showbiz boyfriend exchange sweet messages
Ciara Sotto, non-showbiz boyfriend exchange sweet messages
Ciara Sotto's boyfriend looks at home with her family
Ciara Sotto's boyfriend looks at home with her family


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN