Snooky Serna asserts her faith over love for ex-Vice Governor Ramon Villarama

IMAGE Noel Orsal

Snooky Serna on boyfriend Ramon Villarama, former vice governor of Bulacan: "Sinabi ko naman po sa kanya na if worse comes to worst... Siyempre, alam siguro natin kung ano ang pipiliin ko. Alam niya."


Twenty-eight years nang magkaibigan si Snooky Serna at ang dating vice governor ng Bulacan na si Ramon Villarama, pero apat na taon pa lang silang magkasintahan.

Kumportable na sila sa isa’t isa at masasabing puwede na siyang magpakasal uli, at kay Ramon na raw ito. Kaso, magkaiba sila ng relihiyon.

Saradong Katoliko si Ramon, at si Snooky ay halos sampung taon nang nasa Iglesia ni Cristo (INC).

Kailangang magpa-convert muna si Ramon sa INC, bago sila magpakasal ng aktres.

“He’s very open to it naman na ‘magsuri’ siya.

"Yun po kasi ang terminology namin sa INC na yung para bang… for him to check out yun… suri ang tawag dun.

"Para malaman niya yung aming mga doktrina,” pahayag ni Snooky nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong March 24, Linggo, sa Papa Kim’s Coffee shop sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“Nakasama ko na siya, nakapagsamba na siya, pero hindi pa po siya nagpa-convert,” dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sakaling hindi magpapa-convert ang kanyang kasintahan, willing ba siyang iwan ang kasalukuyan niyang relihiyon?

“Sinabi ko naman po sa kanya na if worse comes to worst... Siyempre, alam siguro natin kung ano ang pipiliin ko. Alam niya.

“Nobody siguro in her right mind or in his right mind would choose… ahh, would not choose his faith, di ba, for anything else in the world,” maingat na sagot ng Kapuso actress.

“I have nothing against the Catholic religion kasi I was born Catholic, but yun nga lang po talaga sa amin kasi, talagang aral po sa amin na maging equally yoked kayo.

“Kasi, kapag nag-adjust ako, ibig sabihin, hindi na ako magiging kapatid. Ayoko namang mawala sa Iglesia ni Cristo.

“Ganyan po kahalaga yung faith sa akin,” seryosong pahayag ni Snooky.

THE BIG DECISION

Kaya idinadasal na lang niya na darating ang araw makapagpasiya na si Ramon na magpa-convert para matuloy ang kasal nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kaming term na yung pinagpapanata. Parang kumbaga sa Catholic religion, novena na sana ma-enlighten siya.

“But I don’t want naman to sound like a self-righteous person na wala akong gustong ma-offend sa inyo here, sa mga nakikinig.

“Kanya-kanya naman tayo ng path, e. At the end of it all, di ba… who am I to say naman din?

"Pero siyempre, kung ako yung tatanungin, ia-assert ko yung paniniwala ko,” saad ni Snooky.

Inamin din ng aktres na malaki ang impluwensiya ni Ramon para makapag-ipon siya.

Malaki ang pasasalamat niya sa GMA-7 dahil magkakasunod ang ibinibigay sa kanyang projects, at isa na rito ang Sahaya na gustung-gusto niya ang role na ipinagkatiwala sa kanya.

Nakakapag-ipon na siya sa tulong at paggabay ng kasalukuyang karelasyon.

“I’m so thankful na with his help… kasi, he’s a staunch businessman, e.

"Ang galing-galing niya humawak ng pera. So, natutulungan niya talaga ako na makapag-ipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m so happy to say na finally, I’m in a good financial status now,” pagmamalaki ni Snooky.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN