Senator JV Ejercito admits unresolved issue with half-brother Jinggoy Estrada

IMAGE JV Ejercito Facebook

Sen. JV Ejercito on running against half-brother Jinggoy Estrada for the same position: "Kahit konsehal or board member or kagawad, kapag dalawang members ng pamilya na sabay tumakbo, hindi ginagawa, kasi maghahati talaga, may nalilito."


Inamin ni Senator JV Ejercito na hindi pa rin sila nagkakaayos ng kapatid na si dating Senator Jinggoy Estrada.

Ito ay sa kabila ng pagsasama at pagtataas ng kamay nila pareho sa kick-off ng kampanya ng senatoriables sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte noong nakaraang Pebrero.

Pero umaasa siyang balang-araw ay magkakasunod rin silang magkapatid.

“Hindi pa naman... soon, sana,” pagtatapat ni Senator JV nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa Limbaga 77, Quezon City, noong Marso 19.

Ang gusto raw munang maayos ni Senator JV ay ang relasyon nila ng kanyang ama na si Manila Mayor at dating Presidente Joseph “Erap” Estrada.

Pareho ng ama sina Senator JV at Jinggoy, ngunit magkaiba sila ng ina.

Si Senator JV ay anak ni Erap sa incumbent mayor ng San Juan City na si Guia Gomez.

Si Jinggoy ay anak naman ng dating Pangulo sa legal wife nitong si Loi Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta sila ni Mayor Erap?

Ayon kay Senator JV, “Okay-okay na, nagsisimula na lately kami nagkausap.

“Kasi nga, noong una, hindi ako pabor na dalawa kaming pinayagan na tumakbo.

“Siyempre, yung chances of winning ko, naapektuhan. Kasi, nanghinayang din naman ako.

“Sana lang, pinatapos, pero nandiyan na ‘yan.”

Ang tinutukoy ni Senator JV ang pagpapahintulot ni Mayor Erap na pareho sila ni Jinggoy na tumakbo sa pagka-senador ngayong darating na eleksyon.

Bumaba sa survey si Senator JV.

Ayon sa senador, may kinalaman dito na dalawa sila sa pamilya na tumatakbong senador.

“Definitely,” mabilis niyang sagot.

“First time in the history ‘to na dalawang pamilya, sabay, mahirap talaga.

“Kahit konsehal or board member or kagawad, kapag dalawang members ng pamilya na sabay tumakbo, hindi ginagawa, kasi maghahati talaga, may nalilito.

“So it’s a challenge. Medyo challenging itong sitwasyon ko.

“First time in history na dalawa ang tatakbo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING THE CHALLENGE

Ano ang mga hakbang na gagawin niya para hindi malito ang mga taong boboto sa kanilang dalawang magkapatid?

Saad ni Senator JV, “Well, sa performance na lang.

“Sana yung universal health care, maalala nila. Yung housing ng Department of Housing, sana maalala nila.

“Sana maalala na lang nila ang mga performance.

“Kaya ang ginagamit, Mr. Health Care, para maalala po ng ating mga kababayan.”

Ano ang puwedeng gawin ng kanilang ama para mawala ang tampo niya rito?

“Well, nagkausap na kami.

“Pero kahit anong mangyari naman, siyempre hindi kami nagkasundo dahil dito sa pulitika, hindi naman mawawala.

“Tatay ko ‘yan, I owe a lot to him. Buhay ko, kung nasaan ako, di ba?

“Pero siyempre, nasaktan ako noong ano… hindi naman mawawala yun, pero pulitika lang ‘to.”

Isa silang pamilya na umiikot sa pulitika. Pero aminado si Senator JV na ito rin ang dahilan kung bakit may mga hidwaan sila ngayon sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nalulungkot ako,” sambit niya.

“Especially at his tender age, 82 na rin siya, siyempre kapag ganung age, gusto mo nang i-maximize.

“You spend more time with your parents. Kasi, hindi mo naman alam kung hanggang kailan… you want to maximize.

“Parang ngayon pa kami nagkaroon ng ganito with our parents nang matagal.

“Kaya nga happy ako na, finally, nagkausap na rin kami noong isang linggo, sana magtuluy-tuloy na.”

Patuloy niya, “Siguro pagkatapos naman nitong election, whatever happens, kasi kumbaga, nandoon pa kami generally sa election.”

Ipangangampanya ba siya ng ama?

Sagot ni Senator JV, “Well, hindi pa kami nag-usap tungkol sa pulitika. Tingnan natin, sana...

“Kahit paano, meron pa rin namang tinatawag na mga Erap fans, lalo na sa Mindanao, makakatulong yun.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN