Maja Salvador is Richard Gutierrez's next leading lady


"Puwedeng-puwede," replies Maja Salvador when asked if it's okay for her to be paired with Richard Gutierrez.



Malamang na si Maja Salvador na ang ipareha kay Richard Gutierrez sa next movie ng Kapuso star with Regal Entertainment.

Sa press con ng My Kuya's Wedding, ang launching movie ni Maja for Regal, nasabi ni Mother Lily Monteverde na balak niyang papirmahin ng eight-picture contract si Maja dahil na-impress siya sa ganda at galing umarte Kapamilya talent.

Si Mother Lily na rin ang nagsabing puwede siyang itambal kay Richard.

Naikuwento rin ni Noel Ferrer, manager ni Ryan Agoncillo na lalabas na kuya ni Maja sa pelikulang idinirehe ni Topel Lee, na puwede ring mag-promote si Maja sa GMA-7 for this movie dahil may nag-research na raw na walang network contract ang dalaga.

Napag-alaman din daw ito ni Annabelle Rama, ina ni Richard, na wala yatang movie contract din si Maja for Star Cinema kung kaya't bukod sa puwede ngang papirmahin ng Regal si Maja ng exclusive contract, puwede rin siyang itambal kay Richard na exclusive din ng Regal as far as movies are concerned.

Itinanong ito kay Maja sa presidential table kung okay lang ba siyang makatambal ni Richard. Maganda ang ngiti ni Maja na sinagot ito ng "puwedeng-puwede."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN