Ciara Sotto reveals marriage with Joe Oconer now annulled

IMAGE Noel Orsal

Ciara Sotto on Filipino-American boyfriend Ian Austin (left): "He’s the sweetest guy ever." Ciara is now single again after her marriage with Joe Oconer (right) has been annulled.


Ibinalita ni Ciara Sotto na na-grant na ang annulment ng kasal nila ng dating asawa na si Joe Oconer.

Noong February 2019 pa raw niya natanggap ang papeles ng pagsasawalang-bisa ng kasal nila.

“Masaya, siyempre masaya. Lahat maayos na.

“Matagal din since nag-file ako ng annulment. Thank God na okay na,” sabi ni Ciara tungkol sa pagkakaapruba ng annulment ng kasal nila ng dating asawa.

Ikinasal sina Ciara at Joe noong January 17, 2010

Isinilang ni Ciara ang kanilang anak na si Crixus noong March 2015.

January 2016 nang kumpirmahin ni Ciara na umalis na siya sa bahay nila ni Joe, at bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Third party ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Ciara at Joe.

Ayon kay Ciara, civil naman sila ngayon ng ex-husband.

Sabi nga ng actress-singer, after all, mga magulang pa rin sila ng anak na si Crixus, na ngayon ay four years old na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala raw ideya ang kanyang anak na hindi sila magkasama sa bahay ng ex-husband niya.

“Wala siyang ganung concept kasi wala pang one year si Crixus nang maghiwalay kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ciara sa exclusive screening ng original iflix movie na Mystified sa Shangrila Cinema noong Sabado, March 23.

CIARA SOTTO’S NEW BOYFRIEND

Kasama ni Ciara na dumalo sa screening ang Filipino-American boyfriend niyang si Ian Austin, na nagpaunlak din ng interview sa amin.

Sa Las Vegas, Nevada, naka-based si Ian kaya tinanong namin kung dinadalaw lang niya si Ciara o dito na siya sa Pilipinas maninirahan.

“His family is here also, not just me,” paglilinaw ni Ciara nang kumpirmahin ni Ian na sa Pilipinas na siya maninirahan.

Halatang nahihiya naman si Ciara nang tanungin ng PEP.ph si Ian kung ano ang mga katangiang nagustuhan niya sa girlfriend.

“She has everything,” mabilis na sagot ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung “everything” ang paglalarawan ni Ian sa girlfriend, paano naman ilalarawan ni Ciara ang boyfriend?

“Everything din, mabait, sweet! He’s the sweetest guy ever,” sagot ng bunsong anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Nagkakilala sina Ciara at Joe sa Las Vegas.

Matagal na pa silang magkakilala, pero bakit hindi sila nagkaroon ng romantic involvement noon?

Sagot ni Ciara, “May boyfriend ako noon, may girlfriend din siya.”

Sa pagkakataong ito, meant to be na sila talaga ang magkatuluyan?

“Hopefully!” natatawang sabi ni Ciara.

Malapit din daw si Ian sa anak niyang si Crixus.

“Yes, close sila, enjoy siyang kasama si Ian,” patungkol nito sa relasyon ng anak sa kanyang boyfriend.

SECOND MARRIAGE

Legal at single na ngang muli si Ciara. Kung sakaling plano na nilang magpakasal ni Ian, puwedeng-puwede na.

“Whatever God’s will,” nakangiting reaksiyon niya.

Napag-uusapan na nila ni Ian ang kasal?

“Grabe naman, wala pa kami dun!” natatawang sabi ni Ciara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malapit din si Ian sa pamilya ni Ciara.

“Very good, they’re very welcoming. Thank God,” pakli ni Ian.

Sabi naman ni Ciara, “Siyempre, mabait naman yung family ko.”

“Yeah, very,” pagsang-ayon din ni Ian.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN