Aicelle Santos still on engagement high with Mark Zambrano

IMAGE Noel Orsal / @aicellesantos Instagram

Aicelle Santos on surviving long-distance relationship with Mark Zambrano: “We know what we want in our lives. We know that we want each other. "Hindi talaga naging mahirap yung long distance namin dahil sa araw-araw na pag-uusap."


Ngayon palang nalalasap ni Aicelle Santos ang ligaya dulot ng engaged status nila ni Mark Zambrano, kahit isang taon na ang lumipas mula nang mag-propose ng kasal ang dating GMA News reporter.

Ito ay sa dahil sa kababalik lang ni Aicelle mula sa kanyang halos isang taong paglilibot sa Europe para sa Miss Saigon U.K. Tour, kung saan gumanap siya bilang Gigi. 

“Remember the engagement happened two weeks before I flew to the U.K. So, we never really lived our days as an engaged couple.

“Eto lang pagbalik ko, 'Uy, engaged na nga pala tayo.'”

March 7, 2018 nang ma-engage sina Mark at Aicelle; at nitong March 6, 2019 umuwi si Aicelle ng Pilipinas dahil tapos na ang itinakbo ng Miss Saigon U.K. tour.

Pati simpleng pagpunta sa mall ay kilig moment na raw para sa engaged couple. 

“Sobrang happy kami pareho. I think this was two nights ago, nasa mall kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time in a year, nag-stroll kami. Alam mo na, typical boyfriend-girlfriend.

“Sabi namin, parang ang sarap ulit, parang kalmado yung pakiramdam ng puso namin.”

Sabi pa raw ni Mark kay Aicelle, “I can hold you. You’re here.”

Kung masaya si Aicelle ngayong nakauwi na siya sa bansa, mas masaya raw si Mark.

Coz we’re not away from each other. We’re standing side by side. We're doing things together from now on, nakangiting saad ni Aicelle. 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Aicelle, sa isang solo presscon na inihanda ng GMA-7, sa Ethan's Cafe sa Quezon City, ngayong Lunes, March 25.

SURVIVING LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Kuwento pa ni Aicelle, malaking bagay na mature na sila pareho ni Mark kaya suwabe nilang napagdaanan ang isang taong long-distance relationship.

Hindi raw nag-work sa Kapuso singer-actress ang ganoong set-up noong siya ay nasa kolehiyo pa.

Si Aicelle ay 34 years old, habang si Mark ay 41 na ngayong taon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, ‘Mahal, if I were 20 or 21, mahihirapan tayo.’

"And sabi rin niya sa akin, ‘Ako rin mahal, kung mas bata ako.’

We know what we want in our lives. We know that we want each other.

“Hindi talaga naging mahirap yung long distance namin dahil sa araw-araw na pag-uusap. Laging, ‘How's your day? How are you feeling?’

“Kulang lang ng physical touch, but it can wait.”  

TRUST AND CONSTANT COMMUNICATION

Bukod sa araw-araw silang nagkakausap sa Facetime, tatlong beses din naman daw silang personal na nagkita.

“Mark came to visit me twice. And sinurprise ko rin siya one time dito sa Pilipinas, so I think nakatulong yun.”

Dagdag pa ng singer-actress, “Pero ang bilis na kasi ng panahon, hindi ba?

"Pareho kami, confident kami sa isa’t isa. We really trust each other."

Panoorin ang kanyang interview:


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN