Kiray Celis still refuses to name non-showbiz boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Actress Kiray Celis reveals that her relationship with a non-showbiz guy is now on its second year and still counting.


"He's a private person na businessman,” paglalarawan ni Kiray Celis, 23, tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Pagbubunyag pa ng Kapuso actress, dalawang taon na ang kanilang relasyon.

Ito raw ang kauna-unahang boyfriend ni Kiray.

Ang kanyang negosyanteng nobyo raw ang naghimok kay Kiray na pasukin na rin ang food business.

"We're going two years and I'm very happy, kasama ko siya sa business namin sa Chicks and Fins.

"Siya yung mas more on sa business, kasi siyempre dito pa rin ako nag-stick sa kung saan ako nagtatrabaho,” pahayag ni Kiray sa exclusive interview sa kanya ng GMANetwork.com.

Kapag daw libre raw ang schedule ni Kiray ay tsaka siya dumadalaw sa kanilang food business sa may Mendiola.

Tumanggi si Kiray na pangalanan ang kanyang nobyo, pero nagbigay siya ng clue.

“Pag pumunta kayong Chicks and Fins at may nakita kayong matangkad, siya na yun.”

Nilinaw ni Kiray na hindi niya itinatago ang boyfriend at nakakalabas sila kahit saan nila gustong pumunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero di ko lang din talaga siya pinapangalanan and di ko talaga siya masyadong pinapakita, pero lumalabas kami kahit saan.

“Kung makita mo kami nang personal, e, di yun, yun na siya."

Umaasa naman si Kiray na magkatuluyan sila ng non-showbiz boyfriend.

“Of course, I really hope and I really wish na talaga na siya na ang the one, kasi first boyfriend ko siya…

"Parang ang hirap pa lang mag-start over again, parang di ko ma-imagine yung sarili ko na kung ano yung mga ginagawa namin ngayon sa relationship namin, uulit-ulitin ko na naman from the scratch kung hindi man siya yung tao para sa akin, pero siya na talaga."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN