Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Benilde's grand homecoming

IMAGE @thebenildean Facebook

Exclusively dating couple Maine Mendoza and Arjo Atayde spotted interacting with other guests at College of St. Benilde's grand alumni homecoming last Saturday night, March 23.


Muling namataang magkasama ang exclusively dating couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa grand alumni homecoming ng De La Salle-College of St. Benilde. 

Ginanap ito sa The Island at The Palace, sa Bonifacio Global City, sa Taguig City, noong Sabado ng gabi, March 23. 

Nakunan ng litrato sina Maine at Arjo, base sa update sa official Facebook account ng Benilde. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Maine ay graduate ng Hotel, Restaurant, and Institution Management, major in Culinary Arts, sa Benilde, noong February 2015—o limang buwan bago siya sumikat sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! 

Si Arjo ay nag-aral ng kursong Psychology sa De La Salle University, pero lumipat siya ng school na pinapasukan nang unahin niya ang kanyang showbiz career noong 2012. 

Sa hiwalay na video ng The Benildean, makikitang ang sarap ng tawanan nina Maine at Arjo habang nakikihalubilo sa ibang alumni at current students ng Benilde na dumalo sa homecoming event. 

DATING STATUS

Hindi maikakailang tuluy-tuloy ang namumuong pag-iibigan sa pagitan ng Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine at Kapamilya actor na si Arjo, lalo na't noon lamang March 20 ay nakita rin silang namamasyal sa Star City. 

January 22, 2019 nang aminin ni Arjo na exclusively dating sila ni Maine; at bisperas naman ng kaarawan ni Maine noong March 2, 2019 nang kumpirmahin ng dalaga ang kanilang dating status. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi ng rebelasyon ni Maine, "He always goes out of his way to make me extra happy and actually puts in effort in everything he does.

"I appreciate everything he does for me and I am happy that I get to experience such wonderful things."

APPEAL TO ALDUB FANS

Nang ihayag nila ang kanilang espesyal na nararamdaman para sa isa't isa, sinabi rin nina Maine at Arjo na aminado silang marami sa mga tagasuporta ng TV host-actress ang hindi pabor sa kanilang pag-iibigan. 

Si Maine ay kalahati ng tambalang AlDub, o Alden Richards at Yaya Dub, na sumikat dahil sa fictional love story tungkol sa paghihintay ng "Tamang Panahon" sa isang relasyon. 

Nasubaybayan ito ng hukbo ng AlDub fans, na ginustong maging totohanan din ang pag-iibigan nina Maine at Alden. 

Pero sa kanyang blog entry noong March 2, muling ipinaliwanag ni Maine na hanggang onscreen lang talaga ang tambalan nila ni Alden. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa roon ni Maine, umaasa siyang maintindihan ng kanyang mga tagasuporta ang desisyon niyang sundin ang kanyang puso at mas kilalanin pa si Arjo. 


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted on a date at Star City
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted on a date at Star City
Arjo Atayde reacts to Maine Mendoza's admission about their dating status
Arjo Atayde reacts to Maine Mendoza's admission about their dating status
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN