"Ouija" director Topel Lee might direct Richard Gutierrez's new show


GMA-7 is reportedly interested in getting the services of Ouija director Topel Lee. If plans push through, Topel will direct the new action series of Richard Gutierrez.



Nanood ang mag-inang Richard Gutierrez at Annabelle Rama ng premiere night ng Ouija, ang co-production ng GMA Films at Viva Films.

Na-impress si Richard sa directorial skill ni Topel kung kaya't nagtanong siya kung puwede raw bang si Topel ang director niya for his next soap sa GMA-7 after Lupin.

Open naman daw ang GMA-7 to take Topel at may inaayos nang meeting with Ms. Wilma Galvante ang director, baka first week of August.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Topel during the presscon of My Kuya's Wedding, his follow-up movie after Ouija, kung handa na ba siyang maging TV director din.

"Oo naman, gusto ko nga ‘yon kasi mas stable sa TV," sagot ni Topel.

Kung puwede lang daw sana, huwag action dahil puro harness daw ito at nakakatagal ng taping. Okay siya sa love story or even sa fantaserye.

Biniro namin siya na mas maraming harnessing sa fantaserye.

"Ay, oo nga, sige okay na rin ako sa harness-harness," natatawang sagot ni Topel.

Pinaalala rin namin kay Topel na baka action ang next soap ni Richard sa title pa lang, Kamandag.

"Sige, okay na rin ako sa action," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN