Arjo Atayde ignores bashers of relationship with Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal

Arjo Atayde defends Maine Mendoza on netizens accusations that she failed to report on Eat Bulaga! because of him: "Wala po. Wala pong ganun."


Malimit mamataan ngayon sa mga pampublikong lugar ang dating couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Hindi na nila itinatago ang namamagitan sa kanila pagkatapos nilang umamin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngunit, nitong mga unang araw ng Marso, inakusahan ng netizens si Maine na madalas na raw lumiban sa Eat Bulaga! dahil daw sa boyfriend nitong si Arjo.

Pero binara ni Arjo ang haka-hakang ito ng bashers.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Wala po. Wala pong ganun.

“Bashers will be bashers. Wala po akong pakialam sa kanila.”

Dagdag pa ni Arjo, hindi na siya nagbabasa ngayon ng komento ng netizens sa anumang platfotm ng social media.

Diin niya, “Wala po talaga. Wala po talaga...

"I don’t even read. I don’t even have time to read.”

Umiwas naman siyang pag-usapan ang latest sigthings nila ni Maine sa Star City noong March 20 at sa grand alumni homecoming ng De La Salle-College of St. Benilde noong March 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap pa ng Kapamilya actor, “Sa movie po muna tayo, please.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa grand media conference ng bago nitong pelikula kasama si Jessy Mendiola, ang Stranded, ngayong Martes ng hapon, March 26.

Ginanap ang presscon sa Valencia Events Place sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY LOVE LIFE, SUCCESSFUL CAREER

Ang Stranded ay isang romantic-comedy film mula sa Regal Entertainment, Inc. mula sa direksiyon ni Ice Idanan.

Saad pa ng binata, “Yeah, it’s a love story. I’ve been wanting to do a rom-com.

“I wanted to do a love story na pelikula or serye and, finally, I was given the chance.

“I really waited for this kasi, sabi ko, if ever I come out in a romantic film, gusto ko kakaiba yung kuwento, kuwentong hindi pa nakukuwento sa Philippine cinema, and finally it’s coming out on April 10.

“I’m very, very excited. I promise you, hindi pa ‘to napapanood ng mga Pilipino.”

Ano naman ang masasabi niya na parang ang suwerte niya sa love life at sa career?

Sagot ni Arjo, “Very thankful

“Opo, opo... very, very thankful.

“Very overwhelming sa lahat ng nangyayari.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN